Horoscope 12/26/2018

Jennica Garcia
Kaarawan:
Disyembre 26, 1989

Madalas na mabigyan ng hindi magandang kahulugan ang kakaibang kilos at ginagawa ng mga babaeng Capricorn. Sadyang malakas lang ang kanilang personalidad pero sa totoo lang ay mga sensitibo sila at emosyunal.

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya mong makumbinsi ang lahat. May pagkakataong nakakagawa ng mali, natural lang ito kaya huwag mas­yadong paapekto. Ang kailangan ­lamang gawin ay itama agad ito. Lucky color: ­Maroon, lucky number: 8.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Hindi na maibabalik ang nangyari na. Ito ay nakatakda at kailangang mong tanggapin. ‘Wag magpokus sa kasalukuyan sa halip ay tingnan mo ang posibilidad nito sa hinaharap. Lucky color: Maroon, lucky number: 15.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – May malaking pagbabago sa relasyon pero para ito sa kabutihan ng lahat. May bagong posibilidad na huwag mo sanang palagpasin dahil ito ang magbibigay sa iyo ng suwerte. Lucky color: Orange, lucky number: 3.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Iwasang magpanik nang wala sa lugar. Ang inaakala mong malaking problema ay magiging maliit na aberya lang. Pag-aralan muna ang ang gagawing hakbang. Lucky color: Gray, lucky number: 29.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Malakas ang pressure ngayon sa loob ng pamilya. May nagtutulak sa iyo para magsalita. Pero mas mabuting magmasid muna para masiguro ang mga tamang hakbangin. Kailangang doblehin ang pag-­iingat lalo na sa labas ng bahay. Lucky color: White, lucky number: 12.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Sa halip na magpokus sa negatibo, magpokus na lamang sa tamang gagawin. Isaisip ang iiiwan nitong leksyon. Sa bawat pagkakamali, may mahalagang aral na dapat matutunan. Lucky color: Orange, lucky number: 36.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Huwag kontrahin ang sariling kagustuhan. Manindigan dahil tama ang iyong iniisip. Pagtuunan ng pansin ang excitement na hatid ng bagong lovelife. Lucky color: Gray, lucky number: 27.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Isa sa mga plano ang hindi matutuloy. Gayunpaman, hindi dapat malungkot dahil may mas malaking okasyon na darating. Kailangan mo lamang gumawa ng ilang adjustment at magi­ging produktibo ito. Lucky colpr: Brown, lucky number: 11.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Disyembre 21) – Isang tao na malapit sa iyo ang kokontra sa iyong ideya. Huwag itong ikasama ng iyong loob. Alalahaning ang pinagmumulan nito ay pagmamalasakit at hindi upang saktan at sirain ka. Lucky color: White, lucky number: 5.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – May mararamdamang kakaiba sa isang tao na minsan mo lang nakasama. Kung anuman ito ay ikaw lang ang nakakaalam. Isiping mabuti ang consequences ng gagawing desisyon. Lucky color: Violet, lucky number: 9.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Hindi masamang mag-imbestiga muna bago ikonsi­dera ang sinasabi ng ibang tao. Alamin mo muna kung ano ang pinapasok mo bago mag-commit. Ikaw lang ang maaaring magdesisyon para sa iyong sarili. Lucky color: Green, lucky number: 56.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – ‘Wag maging sunud-sunuran sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon. Ipakita rin na may sarili kang isip at desisyon. May pagkakataong ikaw ang higit na nakakaalam dahil ikaw ang may sapat na kaalaman sa isang larangan. Tapusin na ang pagtitiis. Lucky color: Blue, lucky number: 55.