ARIES (Marso 21-Abril 19) – Kailangan mo ng lakas ng loob para sa isang malaking okasyon. Maging proud sa mga accomplishment. Kung masuwerte ka ngayon sa career, medyo alanganin ka naman sa iyong love life dahil sa kakulangan ng oras. Lucky color: Violet, lucky number: 25.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Gusto mong tumulong pero hindi mo alam kung paano magsisimula. Kung may nararamdamang kakulangan sa trabaho, malamang na pagod ka lang. Mas bagay ka sa larangan ng counseling dahil sa malawak mong karanasan at pang-unawa. Lucky color: Yellow, lucky number: 30.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 20) – Maging totoo sa sarili. Kung may kinakatakutan, ipaglabanan ito dahil malalagpasan mo rin ang lahat. Itu­loy lang ang direksyon na nilalakaran dahil ito ang tamang landas para sa iyo. Lucky color: White, lucky number: 10.

CANCER (Hunyo 21-Hulyo 22) – Mas komportable ka na ngayon sa iyong sarili dahil nakamit mo na ang mga gusto mo sa buhay. Oras naman para ayusin ang schedule at makisaya sa mga kaibigan. Lucky color: Gold, lucky number: 56.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Bigyan ng laya ang sarili. Mahirap itodo ang lahat-lahat dahil mauubusan ka ng energy. Dahan-dahan sa paghakbang. Ayusin ang pakikisalamuha sa mga kasamahan sa trabaho. Bigyan ng oras ang personal na relasyon. Lucky color: Red, lucky number: 31.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 22) – Balikan ang mga personal na pangako noong nakaraang taon. Maraming indikasyon na kailangang alagaan ang sarili. Mag-exercise at kumain ng masustansyang­ pagkain. Tumigil muna sa ginagawa kung nanghihina. Lucky color: Gray, lucky number: 4.

LIBRA (Setyembre 23-Oktubre 22) – Baguhin ang routine sa buhay. Maraming dapat gawin pero mas mada­ling mag-umpisa sa simple. Mag-focus sa relasyon. Hindi mahalaga ang tagumpay sa trabaho kung may napapabayaang mahal sa buhay. Lucky color: Yellow, lucky number: 40.

SCORPIO (Oktubre 23-Nobyembre 21) – Hanapin ang balance na hina­hanap mo sa career. Makakatamtam mo ang peace of mind kapag natupad mo ang mga binitiwang pangako. Gawin ang makakaya para sa sariling kaligayahan. Lucky color: Maroon, lucky color: 50.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22-Dis­yembre 21) – Excited sa masa­yang araw. Pahalagahan ang teamwork para sa maayos na resulta ng trabaho. Umiwas sa anumang sugal na walang idudulot na maganda sa iyong buhay. Lucky color: Orange, lucky number: 10.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Magmuni-muni. May kaunting problema sa pinansyal pero malulutas din ito agad. May malaking tsansa na magkaroon ng malaking pagbabago dahil sa hindi inasahang financial fortune. Mag-celeb­rate dahil sa suwerteng dumating. Lucky color: Pink, lucky number: 5.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Puno ng posiblidad ang araw na ito. Magsisimula ito sa routine na unti-unting magbabago. Buksan ang mga tenga at mata. Isang kakilala ang posibleng maging business partner. Lucky color: Brown, lucky number: 47.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – May bagong romantic interest. May hinahanap na bagong panlasa. Pagkain man ito o mga bagong adventure sa buhay, mahihirapan kang umiwas. Pagbigyan ang sarili pero tiyakin na walang maaapektuhan sa gagawin o pipiliin. Lucky color: Yellow, lucky number: 20.

Bill Goldberg
(American professional wrestler)
Kaarawan: Disyembre 27, 1965

Mahirap kapag na-inlove ang mga lalaking Capricorn dahil dito na nag-uumpisa ang kakaiba sa kanilang kilos. Todo kung magmahal at gagawin ang lahat para sa kanyang special someone na mistulang bituin na bumaba sa langit.­ Hindi siya marunong magdahan-dahan dahil para sa kanya ayaw niyang magsayang ng oras para ipadama ang kanyang pagmamahal.