Horoscope 5/5/2018

Horoscope

Robert
Downey Jr.
(American actor)
Birthday:
May 5, 1965

Mataas ang pangarap at gagawin niya ang lahat para makamit ito. Minsan sa sobrang focused at serious, napagkakamalan silang walang pakialam at insensitive. Masinop sa perang pinaghirapan. Halos ayaw gumastos para lang makaipon sa future.

ARIES (March 21-April 19) – Posibleng may bagong makilala. Mapapaligiran ng mga tao na naniniwala at handang sumuporta sa iyo. Makinig sa payo ng mas nakararami. Lucky ­color: Silver, lucky number: 14.

TAURUS (April 20-May 20) – Magi­ging inspired kahit nasa krisis na sitwasyon. ­Hindi makakayang tignan ang mga naghihirap. ­Huwag pahirapan ang sarili. Sumubok dahil baka magustuhan mo. Lucky color: Gray, lucky number: 28.

GEMINI (May 21-June 20) – Mapupunta sa lugar na hindi mo pa napupuntahan. Kailangan mo ng sariwang hangin. Pangarap mo ang candle light dinner kasama ng minamahal. Abot-kamay na ang inaasam na trabaho. Lucky color: Red, lucky number: 30.

CANCER (June 21-July 22) – Kuntento ka na ba sa buhay mo? Marami ka pang hina­hanap. Samantalahin ang pakikipag-usap sa mga taong may alam sa negosyo. Magiging malinaw ang mga bagay. Alisin ang negatibo sa isipan. Lucky color: Brown, lucky number: 20.

LEO (July 23-August 22) – Gagabayan ng malakas na intuition. Sundin ang sinasabi ng puso. May matutuklasan tungkol sa sarili na hindi mo alam. Lucky color: Orange, lucky number 5.

VIRGO (August 23-September 22) –Excited na sa bakasyon. Huwag nang lumayo dahil nasa malapit lang ang perfect na lugar para sa iyo. Lucky color: Violet, lucky number: 11.

LIBRA (September 23-October 22) – Isa kang mabuting kaibigan. Tumulong sa nanga­ngailangan. Sa mga ganitong bokasyon ka makakahanap ng tunay na kaligayahan. Lucky color: Yellow, lucky number: 41.

SCORPIO (October 23-November 21) – Extra demanding ang kasuyo na nangungulila sa iyo. Punuan ang pagkukulang para hindi masumbatan. Huwag lumagpas sa limitasyon. Lucky color: White, lucky number: 33.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May kakaibang ganap sa araw na ito. Parang may naglalaro ng iyong damdamin na hindi maipaliwanag. Huwag matakot dahil mauunawaan mo din ang dahilan ng lahat. Lucky color: Violet, lucky number: 45.

CAPRICORN (December 22-January 19) – May problema sa pinansiyal. Maraming pinagkagastusan na hindi namamalayan. Isaisip ang magandang aral sa nangyari. Lucky color: Green, lucky number: 22.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Huwag hanapan ng paliwanag ang lahat ng bagay. May pagbabago sa kalooban kaya iba ang reaksyon mo. Maraming dapat ipagpa­salamat kaysa ipagmaktol. Lucky color: Green, lucky number: 7.

PISCES (February 19-March 20) – Magkakatotoo ang panaginip. Normal lang ma­ging isip-bata paminsan-minsan. Idaan sa lam­bing ang hinihinging pabor. Lucky color: Black, lucky number: 40.