Host/singer, feelingera! Di vale na lang, di va?!

SIKAT na siya, in fairness!

Kaya nagdi-diva-diva-han na itong si host/singer/actress.

Kung ano man ang nangyayaring maganda sa career niya ngayon, pinaghirapan niya ito.

Nag-umpisa siya sa panghapong show ng mga ba­gets na gustong mag-artista.

Naisama siya sa mga pelikula pero parang dinaanan lang siya ng kamera.

Nagtiyaga siya hanggang naging second lead sa isang ka-cheap-ang sexy movie.

Try & try pa rin si ate at sa tulong ng mga kaibigan, naisama siya sa mga fiesta kasama ang ibang trying hard na artista.

Nawala siya at nabalitaan na lang na nanganak.

Noong kaya na, work ulit siya para sa kanyang baby. Care niya kung dalagang ina siya!

Nasundan ang panganay… at isa pa ulit… and another na siya lang ang nagtaguyod.

Hanggang sinuwerte ang isang junakis niya sa tv at pelikula, kaya taas-noo siya sa mga utaw na kinukutya siya dati.

At sumikat na rin siya!

Hindi nawawala ang fez niya sa tv.

Tatlong show ang nilalagare niya araw-araw.

Doon nag-umpisa ang pagiging diva-diva-han niya.

May glam team na siya! Ganu’n talaga kapag sikat na!

Sa totoo lang, matulungin si ate. May puso sa mga kaibigan.

Kaya lang, sa isang taping ng show niya, pina-pack-up niya ito nang walang kaabug-a­bog!

Nagalit ang director, exe­cutive producer at staff sa kanya. Ibinibigay ang lahat ng luho at gusto ni ate, bakit may ganu’ng level na siya?

Ginagaya niya ang kapareho niyang host/acress na madalas pina-pack-up ang taping.

Pero chika ng mga dalahira, afford nila ang pagka-diva ng dating host na umalis na sa kanila dahil my NAME ito, hindi kagaya ni ate na hindi naman kagalingan!