HOTSHOTS MAGPAPAKAWALA NG GUARDS

Si Gilas cadet at Arellano U star Jio Jalalon nang tapikin ng Star Hotshots sa special draft sa Robinsons Place Manila kahapon. (Jhay Jalbuna)

Matapos tapikin ang isa sa pinaka-astig na playmaker sa amateurs na si Jio Jalalon sa special draft ng Gilas pla­yers sa Robinsons Place-Manila kahapon, napi­pintong magpakawala ng guards ang Star.

Isang official ng Hotshots ang nagsabing may kinakausap na silang da­lawang teams na posibleng maging interesado sa kanilang backcourt players.

Bago dumating si Jalalon ay puno na ang backcourt ng Star pagdating ni Paul Lee mula Rain or Shine kapalit ni James Yap. Nasa Hotshots din sina RR Garcia, Mark Barroca, Justin Melton, PJ Simon at Alex Mallari.

“With Jio magi­ging seven ang guards namin, so we are looking at trades para naman mabawasan sila and at the same time makakuha kami ng pamuno sa kulang namin which is a­nother wingman,” anang source.

Dinagdag nitong matapos i-trade si Yap, si Allein Maliksi na lang ang natural wingman ng Hotshots.

May isa pang puwesto na tangkang punan ng Star.

“We have to have a­nother big,” dagdag nito.

Sina Ian Sangalang, Marc Pingris, Rafi Reavis at mga mas mali­liit na sina Jake P­ascual at Rodney Brondial ang isinasagupa nila sa frontcourt.

“We really have to beef up our front line dahil undersized kami compared sa ibang teams,” rason ng official.