Alaska Aces ang Cinderella ng PBA Governors Cup, at least hanggang sa pagtatapos ng eliminations.

Inumpisahan ng Aces ang torneo sa 0-5, naipanalo ang lima sa huling anim na laro huli nang itumba ang NLEX 106-90 nitong Miyerkoles sa Ynares Center sa Antipolo.

Tapos ng 11-game eliminations, pinakamainit ang Aces sa four straight wins at luman­ding sa 7th place, nakahabol pa sa playoffs.

Si Frank House ang naggiya sa pang-apat na sunod na panalo ng Alaska, tumabo ng PBA career-best 24 points, 8 rebounds at 6 assists. Limang locals pa ang nagdagdag ng 10 points pataas.

Magkaakbay ang Alaska at NorthPort sa 5-6 baraha, pero nalaglag sa No. 8 ang Batang Pier dahil sa winner-over-the-other rule. Kung natalo sana ang Aces, magtatabla sila sa 4-7 ng Columbian at magkakaroon ng one-game playoff para sa last quarters berth. Dahil sa panalo ng Alaska, natapos ang season ng Dyip kasama ng Rain or Shine, Phoenix at Blackwater. (VE)