House deputy speaker may banta sa buhay

Nagpasaklolo sa PNP

Nagpasaklolo si Deputy Speaker at Bohol Rep. Arthur Yap kay PNP Director General Oscar Albayalde matapos makatanggap ng banta sa kanyang buhay.

Si Yap ay kandidato sa pagka-gobernador sa Bohol sa ilalim ng PDP-Laban.

Hinihiling ni Yap kay Albayalde na imbestigahan at maglabas ng follow up report kaugnay sa tinatanggap na pagbabanta sa kanyang buhay.

Nabatid kay Yap na noong December 14, 2018 ay nag-isyu ang PNP ng isang Threat Assessment na nagsasaad ng mga sumusunod, “there is a clear potent threat to the life of the Deputy Speaker considering that there are twenty three (23) municipalities in the pro­vince identified as election hotspots due to intense political feud and rivalry between conten­ding parties and the reported presence of the Communist Terrorist Group (CTG)in Bohol.”
Hinihirit ni Yap kay Albayalde na magsagawa ng follow up investigation at report hinggil dito. (Aries Cano)