Sa susunod na linggo na gugulong ang imbestigasyon ng House of Representative kaugnay sa maluwag pa rin na bentahan ng illegal drugs sa loob ng New Bilibid Pri­sons (NBP).

Hindi pa makapagbigay ng eksaktong petsa si House Speaker Pantaleon Alvarez maliban sa pagsasabing maaari na itong ma-schedule sa susunod na linggo, sa nga­yon umano ay isinasaayos na ang mga tatayong witnesses gayundin ang listahan ng mga magiging resource person.

Ani Alvarez, nais nilang maging mabilis lamang ang proseso ng imbestigasyon na gagawin “in aid of legislation”.

Bagama’t araw-araw ang budget deliberations ng mga kongresista para sa P3.35 trilyong 2017 national budget, nilinaw ni Alvarez na kaya naman nilang isabay ang kanilang imbestigasyon sa paglaganap ng illegal drugs sa national penitentiary na hahawakan ng committee on justice.