Hiniling ng mga party-list lawmakers na magsagawa­ ng House inquiry sa pagkamatay ng overseas Filipino worker (OFW) na si Irma Jotojot sa Saudi Arabia.

Sa inihaing House Resolution 462 nina Gabriela­ party-list Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas, ACT Teachers party-list Reps. Antonio Tinio at France Castro, Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao at Kabataan party-list Rep. Sarah Elago iginiit nilang wala pang malinaw na findings sa kaso ni Jotojot at malaki ang posibi­lidad ng pagkakaroon ng foul play sa pagkamatay nito.

“Jotojot’s case is among the many cases of mysterious deaths and abuses involving overseas Filipino­ workers that remain unresolved to date. The government must take proactive measures to ensure the safety and the protection of the rights of our Filipino­ workers abroad and ensure that justice be served to our OFWs who are victims of abuses by holding a­ccountable the persons and entities responsible for the abuses committed against them, as well as the government officials who failed to protect and give the necessary assistance to them,” nakasaad sa inihaing resolusyon ng mga mambabatas.

Ayon kay Elago makatutulong ang congressional i­nquiry para malaman ang tunay na pangyayari sa kaso ng OFW lalo pa at ang recruitment agency nito na ­REjoice International Corporation ay hindi nakikipagtulungan at umiiwas sa responsibilidad sa pagkamatay ni Jotojot.

Si Jotojot na isang domestic helper ay namatay noong Agosto 18 habang naka-confine sa King Salman Hospital sa Riyadh. Sinasabing biktima ito ng panggagahasa at physical abuse at nang makita ang kanyang employer sa ospital ay nagkaroon ng stroke at na-coma­ hanggang sa bawian ng buhay.