Wala pang tipoff, dehado na agad ang Phoenix sa Meralco Biyernes nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Walang coach Louie Alas at Calvin Abueva, bago pa ang import pero hindi basta isinuko ng Fuel Masters ang huling bakbakan. Naubusan lang sa dulo bago yumuko sa Bolts 101-95.

Pagkatapos ng larong ‘yun, nag-take charge naman si Rey Nambatac para bitbitin ang Rain or Shine sa 104-81 tambakang panalo kontra defending champion Ginebra.

Magtatagpo ang Fuel Masters at Elasto Pain-ters sa second game sa Ynares Center sa Antipolo mamaya.

Sa likod ng career-high 30 points – 21 sa first half – ni Nambatac ay nakuha ng RoS ang unang panalo pagkatapos ng 0-2 start sa PBA Commissioner’s Cup.

Sadsad naman sa 1-2 ang Phoenix.

Sinimulan nang bu-nuin nina Alas (two-game) at Abueva (indefinite) ang suspensions.

Biyernes nang umaga lang dumating si Richard Howell, ang ipinalit ng Phoenix kay injured Rob Dozier. Naka-isang walk-through lang ang da-ting TNT import sab ago niyang team at sumabak na kinagabihan.

Sablay ang unang limang tira ni Howell, tumapos ng 8 points at 9 rebounds sa loob ng 23 minutes. Binagabag pa ng maagang foul trouble ang naturalized Israeli. (Vladi Eduarte)