Howell, Phoenix umeskapo sa Ginebra

Howell, Phoenix umeskapo sa Ginebra

Nakatakas ang Phoenix kontra Ginebra sa 111-103 come from behind victory sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Big Dome, Biyernes ng gabi.

Sa first half ay nagpakitang-gilas ang Ginebra, na-outscore ang Phoenix sa first, 20-28, at nakatarak ng 14 point lead sa pagsisimula ng third quarter sa bisa ng jumper ni Japeth Aguilar.

Ngunit biglang umarangkada ang Phoenix, sinimulan ni Matthew Wright ang pagpapaulan ng puntos at naihabol ang kalamangan ng Ginebra sa 14-0 scoring blitz, sa gitna ng third canto.

45 puntos ang binuhos ng Fuel Masters sa third kontra sa 25 lamang ng Ginebra na biglang nanlamig ang shooting.

Nabaligtad ang storya, tangan na ng Phoenix ang lead sa pagsisimula ng fourth, 89-81.

8:54 mark sa final canto, napatalsik sa laro si Phoenix coach Louie Alas, dalawang magkasunod na technical foul ang tinawag sa kanya dahil sa pag-entra sa playing court at disrespectfully addressing an official.

Reklamo ni Alas ang naging out of bounds call kontra sa kanyang koponan dahil tingin nito ay si Stanley Pringle ang huling nakatapik ng bola.

Sa huling 3:40 minuto, nakalapit pa ang Ginebra, 102-100, ngunit nanatiling matatag sina Phoenix import Richard Howell at Wright.

Sa last 50 seconds ay pa-inbound si Scottie Thompson, 106-102, ngunit hindi naipasa ang bola at natawagan ng five-second violation, sa kabila ay nakaiskor naman si Jason Perkins at napalawig pa ang kalama-ngan. (Ray Mark Patriarca)