Howie muntik sumuko sa COVID-19

NI: ASTER A. AMOYO

Dumating sa point si Howie Severino na parang hindi niya malalagpasan ang kanyang pakikipaglaban sa COVID-19. Sa ika-11 araw niya of confinement ay nagpaalam na siya sa kanyang misis pero hindi umano ito pumayag. In-encourage niya ang dokumentarista na patuloy na lumaban.

Isa si Howie sa mga survivor ng Covid-19 . Naging transparent siya sa naging karanasan niya magmula nang siya’y maging positibo sa coronavirus. Ang kanyang dahilan ay para maunawaan ng mga tao kung ano ang nararanasan ng mga nagkakasakit ng COVID-19.

At kung bakit marami sa kanila ay hindi nakakaligtas sa sakit na ito .

Gusto rin niyang ipakita ang sakripisyo ng mga frontliner na patuloy na ginagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin kahit nasa bingit ng kamatayan din ang kanilang mga buhay.

Si Howie ay isa sa COVID-19 survivors. He was Patient 2828.

Siya ay anak ni dating Ambassador Rodolfo Severino, former Secretary General of the Association of South East Asian Nations (ASEAN) at ni Tati Gorospe, dating teacher at administrator.

Isa namang environmentalist lawyer at TOYM awardee ang kanyang misis na si Ipat Luna.Meron silang isang anak – ang 18 year-old na si Alon Roberto.

Nagtapos ng kanyang high school si Howie sa Ateneo de Manila University .Ang kanyang History degree naman ay sa Tufts University sa Massachusetts, USA .Cum laude siya habang ang kanyang master’s degree in Environment Development and Policy sa Sussex University in United Kingdom.

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay nagsimula siyang newspaper at magazine writer nu’ng 1988. Co-founder din siya ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ). Nakilala rin nang husto si Howie sa kanyang pagiging established documentary filmmaker.

In 2009, naging editor-in-chief siya ng GMA News Online, GMA News website sa loob ng limang taon. Nu’ng 2014 ay in-appoint siya bilang GMA Network’s VP for Professional Development.

Apat na taon din siyang naging bahagi ng “Probe Team” with Che-Che Lazaro at “I-Witness,” the longest public affairs program on Philippine Television . Nu’ng 2011, naging co-anchor siya ni Kara David sa morning TV show na “News To Go” sa GMA News TV.