Bubusisiin ng Philippine National Police (PNP) ang mga alegasyon tungkol sa diumano’y pagkakasangot ng Chinese multinational telecommunication company na Huawei sa pang-eespiya pabor sa China.

“We will look into that. The director of DIDM (Directorate for Investigation and Detective Management) is here. He will look into that allegations,” pahayag ni Albayalde sa press briefing sa Camp Crame nitong Lunes.

Subalit ayon kay Albayalde, hindi apektado ang PNP sa kontrobersyang kinasasangkutan ng Huawei at wala aniyang anumang kontrata ang PNP sa nasabing telecommunication company.

Nabatid na ang Huawei ang isa sa pinakamalaking sponsor ng naganap na PNP Anti-Cybercrime Group 6th National Anti-Cybercrime Summit na isinagawa noong Marso 26 hanggang 28.

Sinabi ni Albayalde na maayos ang isinagawang summit at hindi lang Huawei ang kanilang sponsor pero ito aniya ang pinakamalaking sponsor ng naturang event.

Gayunman, kanya umanong ipapasi­lip ito sa DIDM.

“I will have to check on that kasi hindi ako masyadong privy dyan sa sinasabi mo but the DIDM is here. Now I directed the DIDM to check on that.

I think baka yung huawei is just one of the sponsors but not actually the only sponsor. Hindi po siguro ganu’n ‘yun na it’s the only sponsor, biggest sponsor,” pahayag ni Albayalde.

“Maayos lahat ito. Hindi dahil Huawei siya, pinaboran namin. We followed the bidding law dito at kung sila talaga ang nanalo then sila ang nanalo. Of course if they meet the specifications also,” dagdag pa ng PNP chief. (Edwin Balasa)