May official Facebook reaction na si Ivana Alawi patungkol sa alegasyon na puwede siyang i-book for a hefty presyo.
Ang millennial vavavoom, ang kuda tungkol sa mapanirang panlilinlang: “There have been several posts going around claiming you can book me for 2 hours at 4.7 million!! Ayos yan mga naiisip niyo ipost ah. May tax paba yan at bawas sa booking agency or net na? Syet ang mahal pala. Hahahaha dali lang pala kumita ng 100 million noh? Hubadera ako sa social media yes, but I have my limits. I earn my own money the right way. Byeeee #FakeNews.”
Ayan, kwentas claras na ‘yan. Si Ivana eh nagpapansin lang showing off her curves at talaga namang sexy ang dalaga. Porke ba she is proud of her body, may drama na agad kayong nilalako niya ito sa highest bidder?
Obviously, fictitious ang site at kung saka-sakaling magsasampa si Alawi ng demanda, kanino niya i-address, ito ang malaking palaisipan.
Ang mga babaeng fierce at femme fatale, bakit kaya laging ginagawan ng mga kuwentong hindi kaaya-aya? Hindi ba nila puwedeng i-celebrate ang kanilang powerful feminine side na walang ganitong alingasngas at kasinungalingan?
Mabuti nga at Ivana addressed the issue head on para naman matigil na ang maling akala. Kung sino man ang nagmamay-ari sa Manila Bookings, dapat hantingin at turuan ng leksyon.
Kim, Allen agawan sa title
Pang-finish line “StarStruck Season 7”. Ang maglalaban para sa Ultimate Male Survivor title ay si Kim de Leon at Allen Ansay.
Sa mga ilang artista challenges na aking pinanood, parang mas lamang si Kim sa pag-arte at pagsayaw. Ang biggest weakness niya lang, ang kanyang height. Hindi katangkaran si De Leon, kaya dapat kung kanino siya ipapareha, dapat tama ang height for him.
Si Allen Ansay, parang matangkad at puwede talagang matinee idol. Hindi ko alam how he fared sa mga artista test pero sure naman akong with Jose Manalo, Heart Evangelista and Ms. Cherie Gil, alam nila na super deserving ang dalawang relatively young men na mapasa sa Top 2.
Kim lang reminds of the “StarStruck” First Prince of yore, si Rainier Castillo. Si Allen, parang puwedeng pagkamalang relative or kapatid ni David Licauco.
Sava reminds me of Kris Bernal na mas maganda at mas fresh. Petite rin si girl. Si Lexi naman, may arrive na very Katrina Halili, puwedeng bida kontrabida at parang puwedeng magpa-sexy not unless wala pa siya sa voting age, tama na muna sa kanya ang sugar and spice at pa-sweet na mga emote.
By the weekend, malalaman na natin kung sino ang magwawagi. As in all former “StarStruck” winners, ang crucial ay ang surviving na sana eh ma-achieve ng mga baguhang ito.
Christian pinisil ang mukha ni Jean
Lugod na lugod ang character actor na si Christian Vasquez na kasali siya sa primetime drama na pinagbibidahan ni Alden Richards, ang “The Gift”.
Sa kanyang pagiging Javier, kuwento ni Vasquez, “Oo kontrabida siya pero kaya siya ganu’n, he is just being protective of his family. He wants the best for his kids at siempre, sa wife.”
Si Jean Garcia ang kanyang asawa. Ang mga anak, si Martin del Rosario at Ysabel Ortega.
Kay Martin, “Mahusay siya. It is nice to scene work with him kasi pinag-uusapan namin ang dapat naming gawin.
Kay Ysabel, impressed rin si Vasquez kasi, “‘Yung pinakita sa clip, ‘yung inaawat niya kami ni Jean tapos she was crying. Alam mo hindi na siya umaarte. She was playing for truth. Kaya magaling siya.”
Eh kumusta naman ‘yung eksena niya kay Ms. Garcia na pinisil niya sa mukha, “Si Jean, trouper eh. Ayaw niya ‘yung dinadaya. Gusto niya lagi totoo ang lahat. Of course careful pa rin ako pero siya talaga, she is always in the zone. Walang peke.”
Pagtatapos ni Vasquez, “Masaya ako to be part of this drama kasi nga si Alden ang bida. We all know how good he is kaya mapalad ako na I am part of this most anticipated prime time offering. Alam ko marami ang manonood at mahu-hook sa show.”