Kikilatisin ni top triathlete Nikko Huelgas ang mga matitinik na Pinoy cyclists para malaman kung hanggang saan ang kanyang tikas pagsabak sa Luzon qualifying race ng LBC Ronda Pilipinas
Kumalawit ng gold medal sa Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur noong nakaraang buwan, makikipagsabayan si Huelgas sa mga dating champions na sina Santy Barnachea at Irish Valenzuela.
Magiging ensayo na rin ni Huelgas ang 180-km one-day race na sisibat ngayong araw sa Tarlac City para paghandaan ang 2018 Asian Games sa Indonesia.
Mahigit 300 ang magpapadyakan sa event taya ang 38 slots para sa main race sa Marso 1 ng susunod na taon.
“As in the past years, the LBC Ronda Pilipinas is geared towards giving aspiring young riders a chance to fulfill their cycling dreams,” ani LBC Ronda project director Moe Chulani.
Race director ay si Jingo Hervas.