Dismayado si ACTS OFW Party-list Rep. Aniceto ‘John’ Bertiz III sa pagkondena ni Kuwaiti Foreign Minister Sheikh Sabah Al-Khaled Al-Sabah sa aksyon ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte na pauwiin ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nasa Kuwait.
Ayon sa Kuwaiti official puwedeng malamatan ang ugnayan ng dalawang bansa.
Pero ayon kay Bertiz, imbes na unawain ang sitwasyon at asikasuhin ng Kuwaiti official ang lumolobong kaso ng pangmamaltrato laban sa mga Pinoy na nakabase sa Kuwait ay gumagatong pa ito sa usapin bunsod ng pagkondena kay PDu30.
“We should be the ones condemning them for allowing such incidents to occur and having done nothing about them,” komento ni Bertiz.
“So if they’re saying that the evacuation of OFWs from Kuwait might damage ties between our countries, then so be it, because they were the ones who started this,” giit ni Bertiz.
Suportado ng solon ang desisyon ni Duterte na magpatupad ng ban sa deployment ng mga OFW sa Kuwait at kinokondena rin nito ang pahayag ng Kuwaiti official laban kay PDu30.