Hugpong ‘di kailangang maging national party

Hugpong ‘di kailangang maging national party

Wala pang balak si Davao City Mayor Sara Duterte na gawing national ang status ng regional party na Hugpong ng Pagbabago.

Sa isang ambush interview sa proclamation rally ng Hugpong sa Meycauayan City, sinabi ni Ma­yor Sara na matagal nang pinagtatalunan sa kanilang partido kung kailangan nang gawing national political party ang Hugpong.

“The four governors and me for the longest time since nabuo ‘yung, na-grant ‘yung petition namin to form a regional political party because pinipilit nila na maging national party,” saad ni Mayor Sara.

“Sinasabi ko sa kanila na ginawa ‘yung Hugpong for Davao region,” giit pa ng presidential daughter.

Isa sa nangungulit para gawing national party ang Hugpong ay si senatorial bet Bong Go.

Ang Hugpong ay nagsimula bilang ‘Hugpong sa Tawong Lungsod’ noong 2001 sa panahon ni Davao City mayor at ngayon ay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ilan ang nagsasabi na posibleng maging natio­nal party ang Hugpong, katulad ng PDP-Laban na kinaaaniban ni Pangulong Duterte kapag nagdesisyon si Mayor Sara na tumakbo sa 2022 presidential elections.