Hukom, piskal bigyan ng allowance

Naghain ng panukala si Senadora Leila de Lima na naglalayong palakasin ang kalayaan ng institusyon ng hudikatura sa pamamagitan ng pag-alis ng kapangyarihan mula sa local government units (LGUs) sa pagbibigay ng allowance sa mga hukom at piskal.

Sa Senate Bill No. 782 na inihain ni De Lima, sinabi nitong panahon na para sa Kongreso na kilalanin ang pagbibigay ng malakas at malayang judicial system lalo na’t maraming politiko ang nagbibigay ng matinding pressure sa mga court official ng bansa.

“The discretionary allowance to national government officials stationed in local government units has been, in many situations, used by local governments to exercise political patronage over such officials,” ani De Lima.

“This is especially dangerous to judges and public prosecutors because they may be placed in a position in which they have to rule on or prosecute a case against said LGUs or their officials,” she added.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 782 o “Justice Institutions Independence Protection Act,” ang Justice System Independence Allowance ay dapat 10 porsiyento ng kanilang basic monthly salary.

“The Justice Institution Independence Allo-wance for covered officials shall not be subject to tax,” sabi pa ni De Lima, chairperson ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development.

Para naman maiwasan ang posibleng gusot sa LGUs tungkol sa occupancy, dapat umanong magkaroon ng comprehensive plan ang Sumpre Court at Department of Justice para paglipat ng kanilang tanggapan sa gusaling pag-aari ng mga LGU. (D­indo Matining)