Sino raw itong kandidato sa pagka-senador ang parang aakyat lang ng bundok ang porma imbes na
mangampanya sa iba’t ibang panig ng bansa?
Eh paano ba naman kasi, lagi siyang naka-backpack kapag lalarga para mangampanya sa malalayong lalawigan sa bansa, ‘yun bang hindi lang pang-overnight ang karga nito kundi pang-limang araw.
Naispatan ng Tonite ang kandidatong ito na halos makuba na sa pagbuhat ng kanyang backpack sa loob ng terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang naghahanap ng assign gate sa kanyang flight.
Sa porma nga raw ng kandidato, mistulang backpackers lang ang dating nito, ‘yun bang mga turistang adventure lover na adik sa paghahanap ng magagandang lugar sa presyong abot-kaya, in short nagtitipid sa gastos.
Wala man lang daw itong kasamang staff na magbubuhat ng kanyang mga gamit dahil siya mismo ang nagbubuhat nito kahit halos makuba na ito sa bigat at laki ng bitbit nitong bag.
Kapag may mga taong naka-recognize sa kanya at habulin siya ng tawag, hindi na makalingon ang kandidato dahil sa natatakpan na ito ng bag na kanyang binubuhat sa laki.
Ang classic nito, dahil sa parang backpacker lang ang porma nito, hindi man lang ito maawitan ng mga taong nakakakilala sa kanya para manglibre ng pang-almusal sa NAIA Terminal.
Ang style daw kasi ng kandidato, kapag binabati ito ng mga taong nag-aabang ng makakain, magpapalusot lang ito na may hahabulin siyang flight kung kaya’t hindi na niya mayayayang magkape ang mga kakilala niya.
Takot lang ng kandidato na manlibre sa airport terminal, aba’y isang kape lang ay nagkakahalaga na ng P100 hanggang P120 kahit na P6 lang ang presyo ng instant coffee sa sari-sari store, habang ang bottled water ay mala-ginto rin sa P60 hanggang P80.
Clue: Ang kandidato na mahilig magdala ng backpack na parang mamumundok lang ay laging nakasuot ng pulang damit. May letrang N sa kanyang pangalan as in Natalo sa halalan dati ang kanyang mga kasamahan. (Boyet Jadulco)