Hulaan Blues: Senatoriable panic mode na dahil laglag sa mga survey

Sino raw itong kandidato sa pagka-senador ang kinakabog na ngayon dahil sa posible itong matalo na n­aman sa halalan?

Nakarating sa info ng TONITE na nasa panic mode na raw ngayon ang kandidato dahil sa posibleng isa siy­a sa luluha pagkatapos ng May 9 elections.

Eh paano ba naman kasi, 50/50 ang pag-asa ng kandidato sa dara­ting na halalan, as in nasa alanga­ning kalagayan siya na puwedeng manalo, puwedeng matalo.

Kaya itong kandidato, panay ang palabas ng komersyal sa telebisyon at radyo sa paghahangad na makuha ang huling tiket sa Rio Olympics, eheste ang huling upuan sa Senado.

Kung manu-mano ang bilangan ng boto, baka hindi kabahan itong kandidato dahil marami itong contact na maaa­ring magpanalo sa kanya sa Mindanao.

Pero dahil sa automated na ang halalan, wala itong magawa kundi sipagan na lang ang pag-iikot sa iba’t ibang panig ng bansa kasabay ng madalas na pagdukot sa bulsa upang ibayad sa ads.

Nagsisisi nga raw itong kandidato dahil sa kampante siyang mananalo sa halalan sa pagpasok ng kampanya noong P­ebrero pero nitong Abril ay 50/50 na ang kanyang tsansa, tipo bang pasyente sa ospital na naghihingalo.

Guwapo naman ang kandidato sa pagka-senador pero nakapagtatakang hinihila ito ng mga pangit ang rating sa survey upang malaglag sa Magic 12.

Clue: Ang kandidato sa pagka-senador na 50/50 ang tsansang manalo ay mahilig magyaya ng kainan sa audience kapag nangangampanya. May letrang R sa kanyang pangalan as in Retreat ang tawag sa umaatras sa laban. (Boyet Jadulco)