Pagkatapos ng 110-102 Game 3 loss ng Cleveland, posibleng isang laro na lang sa Cavaliers si LeBron James.

Lubog sa 3-0 ang Cavs, may posibilidad na final game na ni James ang Game 4 ng NBA Finals sa Sabado kapag tinalo muli at na-sweep ng Golden State Warriors.

Noong 2016 Finals, umahon ang Cleveland mula 3-1 deficit para agawin ang titulo. Pero nasa Oklahoma City pa noon si Kevin Durant, at iba ang supporting cast ni James.

Nilista ni LeBron ang pang-10 triple-double niya sa Finals na 33 points, 11 assists at 10 rebounds, pero mailap ang importanteng panalo.

Pagdating ng July, puwede nang kumalas ang three-time champion sa kanyang $35.6 million contract at magdeklara ng free agency. Posibleng maghanap ang 33-anyos na si James ng ibang team na kakayaning talunin ang Warriors.

Dumating si James sa Quicken Loans Arena ng 6 pm, wala na ang suit shorts niya. Naka-camouflage pants na siya, nagsuot ng purple hoodie at baseball cap na may tatak na ‘Billionaire Boys Club’.

Noong nakaraang taon, sa Game 3 din, nagsalpak ng 3-pointer si Durant. Sa halos parehong spot, may isa na naman siya sa stretch kahapon.

Ang masasabi ni James sa 33-footer ni Durant na nagbigay sa Warriors ng 106-100 lead?

“The one he made tonight was about four or five feet behind the one he made last year,” aniya. “He’s an assassin. That was one of those assassin plays right there.” (VE)