Tutukuyin na ni ­Pangulong Rodrigo Duterte kung sinu-sino ang nakatala sa pinal na narco-list.

Ayon kay Duterte, isasapubliko niya­ ang mga pangalan na nasa listahan sa pagbalik nito galing ng Vietnam.

Karamihan umano sa mga ito ay mga opisyal ng barangay.

Kasama rin umano sa listahan ang mga alkalde, gobernador at mga kongresista.

“Narco-politics is already here… most of the ‘yung nasa listahan sa akin are really barangay captains, mayors and may mga governor and congressman I will be reading them publicly again maybe until I come back from Vietnam because it is important that the public knows, kung sino ‘yung mga opisyal­ nila na corrupt at criminal.

Hind­i ko matago ‘yan kasi as early­ as possible parang storm signal ‘yan the President must take steps,” sabi pa ni Pangulong Duterte kahapon ng hapon nang personal na inspeksyunin ang nasi­lat na mega shabu factory sa Arayat, Pampanga.