Tawag-ng-Tanghalan-grand-finalists

NAGSIMULA ang HULING TAPATAN ng “Tawag ng Tanghalan” kahapon sa It’s Showtime at magtatapos sa Sabado (Marso 11) sa Resorts World Manila.

Kada araw, isa ang tatanghaling winner mula sa isang set ng maglalaban-labang grand finalists.

Ang winner sa Biyernes ay iaanunsyo sa Sabado.

Sa Sabado pagsasa­bungin ang limang daily winners na pagpipilian ng mga hurado at madlang people na maging grand champion.

Grand finalists mula Quarter 1 sina Maricel Callo (Pagadian) at Mary Gidget de la Llana (Laguna).

Mula sa Quarter 2 sina Marielle Montellano (Cebu) at Pauline Agupitan (Batangas).

Hindi basta-basta magpapakabog sina Eumee Capile (Bulacan), Noven Bellaza (Negros Occidental), Sam Ma­ngubat (Batangas), Carlmalone Montecido (Bacolod), Froilan Canlas (Camarines Sur) at Rachel Gabreza (Makati).

Subok na ang ga­ling at may kanya-kanyang istilo sa pagkanta, ngunit kaninong boses ang mangingibabaw para sa mga hurado at madlang people?

Kaninong buhay ang mababago?