Emosyonal na humarap sa ginanap na joint session kahapon ng Kamara ang peace advocate na si Samira Gutoc-Tomawis kung saan inilahad nito ang mga pang-aabusong nagaganap sa Marawi City habang nasa ilalim ng batas militar.
Si Tomawis na tagapagsalita ng Maranao Rescue Team ay dating appointee sa Bangsamoro Transition Commission.
Aniya, ilang residente ang nakaranas ng torture dahil sa pilit na pinapaamin ng militar na miyembro ng Maute Group kabilang na ang kaso ng isang special child na si Abdul Halim na pinaso umano ng mainit na tubig sa kamay nang matagpuan ng mga sundalo sa Saduk, Marawi City.
Ikwento rin ni Tomawis ang dinanas umano ng 26 kalalakihan na pinaghubad, piniringan at pinaglakad saka inutusan na maghukay na ng kanilang sariling libingan.
May 20 bangkay din umano ng mga Muslim ang hindi pa naililibing na paglabag sa Islam.
Dumepensa naman ni AFP chief of staff Eduardo Año na hindi intensyon ng kanilang hanay na labagin ang karapatang pantao kasabay ng paghikayat na kanyang iimbestigahan ang mga pang-aabusong ito.
Huwag kaagad kasing naghuugas kamay at hindi kayo mga santo s AFP AT PNP na akala mo hindi gumagawa ng kawalanghiyan. napatunayan na sa mga unang araw ang pagmamalabis ng mga AFP.