Human rights ‘pinulutan’ ni Digong sa India

rodrigo-duterte

Hanggang  sa  India  ay  bitbit  ni Pangulong  Rodrigo Duterte  ang  pagkainis sa  Human Rights  dahil sa patuloy  na  pakikialam sa mga  usaping  panloob  ng  Pilipinas.

Sa  kanyang  pagharap sa  mga   business eaders ng India, hindi napigilan  ng  Pangulo na  banatan ang ilang  personalidad  ng  Human Rights dahil hindi siya tinitigilan sa isyu ng  umano’y  extra  judicial killings  pati na ang  naging  aksiyon ng  Securities and Exchangte  Commission (SEC) na  pagbawi sa  lisensiya  ng Rappler.

Buwelta  ng  Pangulo, ang Human Rights  ay isang  maingay  na  grupo na  mahilig  makialam sa  mga  maliliiit  na  bansa pero inutil naman at wala nagagawa  para  pigilan ang  mga digmaan , massacre  o malagim na  mga  kaganapan sa  mga  bansa sa  mundo.

Matatandaang  galit ang  Pangulo  kay UN Rapporteur Agnes Callamard  dahil sa paggigiit  na mahigit  10 libo ang  napatay  sa  anti-drug  campaign  ng  administrasyon  at  ngayon ay  nakialam na  rin sa  isyu  ng Rappler  na  binawian  ng  lisensiya ng SEC.