Humihingang Bato sa Ciudad

Mga ka-Misteryo marami talagang kababalaghan na nangyayari sa ating kapaligiran sa kabila ng pag-usad ng modernong kabuhayan.

Tulad na lamang ang mga hindi maipaliwanag na kakaibang karanasan ng mga taong bumisita sa Ciudad Verdadero sa Quezon.

Ibinahagi ni Arturo sa #TeamMisteryo ang kanyang hindi malilimutang karanasan sa ­Ciudad Verdadero nang minsang maimbitahan sila doon ng tagapangalaga na si Art Cataquiz.

Inisa-isa nilang pasyalan ang loob nito tulad ng kapilya na may Cretan labyrinth na puwede kang magdasal at meditasyon, ang mas malaking labyrinth sa ituktok ng burol o hill sa tabi ng chapel, lagoon na tambayan ng mga diwata, landing pad, medi­tation ­tower, bukal ni Impo at ang malalaking buhay na bato sa tabi nito.

Sa malalaking bato natuon ang panahon ni Arturo sa dahilang dito nakikipag-komunikasyon ang mga nilalang sa kabilang dimensiyon.

Tulad ng ibang bumisi­ta sa Ciudad Verdadero, hinawakan ni Arturo ng dalawang palad niya ang tagiliran ng malaking bato saka pumikit. Sinabi niya sa #TeamMisteryo ang kanyang naramdaman at nasagap na mga mensahe.
Team Misteryo: “Ka Arturo, ano naramdaman niyo nang hawakan niyo ang malaking­ bato?

Arturo: “Sa pagpikit ko lamang meron na akong narinig na parang humihinga hanggang sa kinilabutan ang aking buong katawan.

Team Misteryo: “Ano pakiramdam ng kilabot? Mabuti hindi ka nawalan ng malay sa lakas ng enerhiya ng bato?”

Arturo: “Hindi naman kasi parang dun sa bato na ako nakatukod at kaya ko naman ang enerhiya ng bato.”

Team Misteryo: “Sabi ng mga naunang humawak sa malaking bato humihinga daw ito…narinig mo ba yun?”

Arturo: “Opo para nga siyang humihinga at may narinig akong boses-babae na nagbi­gay ng mensahe.”

Team Misteryo: “Ano ang mensahe? Naintindihan mo ba?
Arturo: “Mahina lang ang boses at ang narinig kong mensahe: “Maghanda, maging­ mapagmasid at magtiwala.”

Team Misteryo: “Wala bang partikular na pangalan na binanggit para ipaabot ang mensahe?”

Arturo: Wala naman pero para sa lahat ang mensahe na ‘yun.”
Kung ako ang inyong tatanungin, ilang beses na rin akong nakatanggap ng mensahe sa Ciudad Verdadero at tama si Arturo para sa lahat ang mensahe ng Impo ng ciudad.

Totoo ding naririnig ang paghinga ng mala­king bato gayunman kailangan mo lang matutuhan ang channeling para masagap mo ang mensahe. Para sa akin, nagsisilbing control tower ng kabilang dimensiyon ang mala­laking bato.

Para sa inyong mga suhestiyon at karanasang Misteryo, mag-email sa teammisteryo2019@gmail.com. Bisi­tahin ang website: www.reytsibayan.com at abante.com.ph.