Dear Sir,
Nabigo ang ASG sa pag-atake sa isang cargo vessel MV Anabelle na naglalayag sa karagatan sa bandang Siocon, Liloy, Zamboanga del Norte patungong Zamboanga City noong 18 Abril 2017.
Dahil sa agarang pagtawag sa mga awtoridad ng kapitan ng barko, ay agad nakaresponde ang Naval Forces Western Mindanao at katulong ang Philippine Air Force helicopters. Ang cargo ay may 21 crew na maaring ma-abduct ng ASG kung hindi dumating ang ating mga kasundaluhan.
Kudos sa inyong group efforts, WestMinCom. Muli naman ninyong nabigo ang masamang hangarin ng ASG. Ganoon din ang nangyari noong Pebrero 22, 2017, na hadlangan ng Navy ship ang tangkang pag-hijack ng ASG sa Vietnamese cargo ship MV Dong Hae Star sa karagatan na malapit sa Sabah border.
Ang susi talaga sa paghadlang sa mga karahasan ay ang maagap na pagresponde ng ating mga awtoridad. At kapag natatanaw na ang panganib kailangan na humingi na agad ng saklolo sa mga kinaukulan. 100% madadaig ang karahasan.
Rogelio A. Rico
Zamboanga City
***
Dear Sir,
Nagpahayag si AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla na hindi nangangamba ang AFP na ulitin ng Kadamay ang ilegal na pag-okupa sa mga pabahay na dapat ay para sa mga sundalo, pulis at bumbero sa probinsya ng Bulacan.
Aniya mayroong sinusunod na rule of law na kailangang sundin at kung lalabag dito ang grupo ay hindi magdadalawang-isip ang militar na ipatupad ang batas.
Hindi dapat makampante ang gobyerno sa usaping ito. Dapat ipatupad talaga ang batas kung hindi ay aabusuhin ito ng mga grupong nasa ilalim ng CPP-NDF.
Kahit saang anggulo tignan ay labag sa batas ang kanilang ginawa. Kung sakanila rin ginawa ang aksyong ginawa nila na basta na lang mang-agaw ng pag-aari malamang ay magagalit at hindi rin sila papayag.
Nagsabi pa sila na pati kuryente at tubig ay dapat sagutin ng gobyerno. Ganyan sila kaabusado. Wala silang karapatan sila pa ang maraming hinihiling sa gobyerno. Hindi tama iasa ang lahat sa gobyerno.
Dana R. Del Rosario
Camarines Norte