Ang Hundred Islands National Park ay parke sa Pilipina­s na napapalibutan ng mga lugar sa Lungsod ng Alaminos sa Probinsiya ng Pan­ga­­­sinan sa bahaging Norte ng bansa.

PAANO MAKA­RATING SA HUNDRED ISLANDS?

Sumakay ng pampasaherong bus sa mga terminal sa ­Cubao, your choice siyempre, kung ano ang trip ninyo, pwedeng Victory Liner o 5-Star at pagdating sa terminal ng bus sa Alaminos ay sumakay naman ng tricycle patungong port kung saan ka naman magri-register at sasakay ng bangka.

Kung naka-private car, magmaneh­o patungong Norte, sa NLEX ka dumaan hanggang sa SCTEX palabas naman ng Ramos – Paniqui Road na susundan ng Tarlac – Pangasinan Road na papunta naman sa Alaminos.

Pagdating ng Ala­minos ay baybayin ang Alaminos – Sual Road saka ­kumanan sa S. Quimson Street at diretsuhin lang hang­gang sa maka­rating sa Hundred ­Island National Park.

Kung hindi ninyo trip na gumawa pa ng plano upang maka­paglibot sa lugar ay hindi ninyo na kailangan pang mag-alala, pwede kang makapag-avail ng day tour ­package sa Alaminos, ito ay mas maiigi kung magta-­travel kayo nang marami sa ­inyong grupo.

Naguumpisa ang presyo ng mga ito sa P1,290 kada isang tao, naroroon na ang air conditioned service van na gagamitin sa tour at entrance fees sa mga lugar na pupuntahan ninyo.

HUNDRED ISLAND NATIONAL PARK

Ang Alaminos ay ang siyang gateway patungo sa Hundred Island National Park na siyang top tourist destination sa Pangasinan, ito ang ilan lamang sa swak na swak na enjoy na gawain pagdating doon.

MAG-ZIPLINE NANG ISLAND TO ISLAND

Sa halagang P250 ay madadaanan mo na ang lahat ng mahigit isang daang islands sa Hundred Islands, paano? sa pamamagitan ng zipline.

Mula sa Governor’s Island na mayroong 450 feet at 546 meter zipline na naka-kononekta sa Virgin Island ay matatanaw mo na ang bawat isa sa mga isla sa lugar.

SILIPIN AT I-ENJOY ANG CORAL GARDEN

Kung sawa ka na sa ginagawa mong pangkaraniwang snorkeling ay i-try mo ang helmet di­ving sa Coral Garden, nasa limang minuto lamang ito mula sa Virgin Island.

Bago ang pagsasagawa ng helmet diving ay may mga instructors na magbibigay sa inyo ng orientation para sa inyong safety.

Ang gagamiting helmet ay may bigat na 20 kilo pero huwag kayong mag-alala dahil kapag nasa ilalim na rin naman kayo ng tubig ay gagaan na rin ito at hindi ninyo na mararamdaman ang bigat.

Ang Coral Garden ay mayaman sa marine life, marami ditong school of fishes, paalala lamang na pwede mo lamang itong i-enjoy na panuorin pero hindi ito pinapayagang hawakan o paglaruan.

The Curtain Room

Ang pagpasok sa Santo Rosario Cave ay hindi ganoon kabilis, ang papasok doon ay tinatawag na The Curtain Room dahil sa tila kurtinang mga batong formation na maki­tid pasukan at kinakailangan ng helmet para sa proteksiyon.

Pero pagkatapos ng ­hirap pagpasok ay makikita naman sa loob ang mga malulupit at magagandang rock formations, ang cave na ito ay nagsisilbing habi­tat para sa mga paniki at ilang mga maliliit na ibon, pinaniniwalaan din ng ilang mga residente sa lugar na may mga misteryosong mga elemento ang naninirahan sa nasabing cave.

Pero huwag matakot dahil sabi naman ng mga tour guide doon ay mga taga-protekta umanong mga elemento doon kung wala ka namang gaga­wing kalokohan ay safe ka.

Ang entrance fee doon ay nagkakahala­ga ng P400 kada isang tao kasama na ang bayad sa tour guide.

SAAN PWEDENG MAG-STAY

Kung pagod ka na rin naman sa dami ng nilibot ninyo at adventures na ginawa ninyo sa lugar ay marami rin namang ­pwedeng pag-stay-an doon, ito ang ilan sa mga ito.

HIDEAWAY SPA AND RESORT

Ang Hideaway Spa and Resort ay matatagpuan sa Cetro Toma, Surip, Bani, Pangasi­nan, kung gusto ninyo ng malaking space at ­meron ka namang budget na dala ay pwede kayong magrenta ng bahay doon.

Sa halagang P8,000 kada araw ay pwede mo nang ma-access ang ­sarili ninyong dining area, kitchen at living room.

Meron din naman silang mga standard room doon na may dalawa na ring higaan at basic amenities kagaya ng air conditioning at mga comfort rooms sa halagang P3,000.

VISTA DE LAS ISLAS

Ang Vista De Las Islas ay matatagpuan naman sa The Boulevard, Barangay Lucap, Alaminos, marami doong mga standard rooms na nagkakahalaga lamang ng P2,500 na good for 4 hanggang 5 persons din.

SOUVENIR

May mga souvenir store ding makikita sa bawat lugar dito, pwede kayong bumili ng mapipili ninyo na pwede ring ipang-pasalubong.

CHIBOG

Syempre mawawala ba naman ang mga pagkain na bawat lugar ay may mga ipinagmama­laking delicacies, ito ang ilan sa mga masasarap na kainin sa lugar:

BINUNGEY

Ang Binungey ay isang sikat na kakanin sa Bolinao, Pangasinan, ito ay gawa sa coconut milk na niluluto sa loob ng bamboo shoot, maraming mabibili nito sa St. James Church na matatagpuan din sa lugar, nagkakahalaga lamang ito ng P35 bawat isa.

ALAMINOS LONGGANISA

Kung pagkain naman ang trip mong ipasalubong sa inyong mga minamahal ay siguraduhing nasa listahan ninyo ang Alaminos Longganisa, napakasarap nito na maalat-alat at mas malaki kumpar­a sa mga pangkaraniwang longganisa.

Dahil bukod sa mga secret ingredients nito ay lamang na lamang din ito sa ba­wang na swak na swak ipartner sa sukang ­Iloco.

PUTO CALASIAO

Ang Puto Calasiao ay isa sa mga best selling pasalubong sa Pangasinan, parang karaniwang puro rin lang ang itsura nito pero panalong – pa­nalo pa rin ang lasa na pinatingkad pa lalo ng iba’t ibang mga flavors katulad ng pandan at ube.

SO, ano pa ang hinihintay ninyo? sa lahat ng mga activities at adventures na pwedeng gawin at ma­dis­kubre sa Hundred ­Islands ay siguradong hindi ka ­mawawalan ng dahilan upang ­bisitahin ito. Tara na at biyahe na!