Bumaba ang antas ng mga nagugutom na pamilyang Pinoy ayon sa pinakahuling resulta ng survey ng Social Weather Station (SWS).
Ayon sa resulta ng survey ng SWS na isinagawa nitong Hulyo 23-26, bumaba sa 2.2 milyong pamilya ang nakaranas ng involuntary hunger, pinakamababa simula noong 2004.
Base sa survey ang hunger level ay bumagsak sa 9.5 percent sa ikalawang quarter ng 2017, pinakamababa simula noong March 2004 na 7.4 porsiyento.
Nilahukan ang survey ng may 1,200 adults mula sa buong bansa at may margin of error na ±3 points nationwide at ±6 points sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.
Nagsimula umano ang pagbaba ng bilang ng mga nakaranas ng involuntary hunger noong Disyembre 2016 na halos kasabay ng resulta ng ginawang survey hinggil sa pagbuti sa self-rated poverty at self-rated food poverty.
tama ba nuon 2004 ay 7.4 ang ibinaba kumpara sa 2017 ang binaba ay 9.5..di ba mas mababa ang 7.4 compare sa 9.5?
mas mababa lang na 7.4 na nagugutom o nakakaranas ng gutom kesa sa 9.5 ang nagugutom sa ngaung 2017….
ngaun lang nangyari ito sa panahon ng duterte admin ibig sabihin randam na tlaga ang pagbabago.
lol…