Hunk actor bet magpasibak sa 3 lalaki

Eksena sa isang out of town shoot ng isang pelikula.

Habang nagpapahinga ang male cast ay nagkukuwentuhan at nagbibiruan ang apat na bida ng movie.

Hindi yata sila aware na may nakatutok na celfone camera at kinukunan ang huntahan nila.

Tanong ni hunk actor #1 (HA1): “Sinong chicks mo du’n?”

Sagot ni hunk actor #2 (HA2) na nanggaling sa isang malayong lugar: “Si ano… (nagbanggit ng name ng girl).”

Hirit naman ni hunk actor #3 (HA3): “Sinibak mo?”

Sagot ulit ni HA2: “Hindi puwede du’n, bawal.”

Napapangiting reaksyon ni hunk actor #4 (HA4): “Bawal sumibak du’n?”
Singit ulit ni HA1 habang ini-scan ang kanyang celfone: “Sino dito? Alin dito ‘yung chicks mo?”

Sagot ni HA2: “Huwag na, huwag mo nang hanapin.”

Tungkol sa ‘sibakan’ ang kaswal na topic ng boys, na ang pinag-uusapan ay babae.

Panay ang tanong ni HA3 kung ‘sinibak’ ni HA2 ‘yung sinasabi nitong girl. Parang sanay na sanay ‘sumibak’ si HA3, pero walang nali-link na girl dito.

Natsismis noon si HA3 sa isang kilalang gay celebrity. Ngayon ay balitang dyowa si HA3 ng isang gay showbiz personality.

Ito kaya ang kanyang mga ‘kasibakan’?!

Si HA1 ay mukhang lapitin ng girls at balitang mahilig sa mga beauty queen. Mga ganu’ng tipo raw ng babae ang paborito nitong ‘sibakin.’

Si HA4 ay matulis sa chicks at mahilig din sa magaganda. May patagong relasyon ito sa isang magandang young actress na may ka-love team.

May kadaldalan si HA4 tungkol sa kanyang sexcapades at mao-offend ang mga babae kapag nalaman nilang idinadaldal ni HA4 na ‘nasibak’ sila nito.

Si HA2 na inuusisa nila tungkol sa chicks nito ay tila naaasiwa sa topic dahil ang totoo ay hindi naman babae ang bet nito.

Sa kilos at galaw ni HA2 ay hindi maikakailang nae-excite siya na napapalibutan siya nina HA1, HA3 at HA4.

Sa tamis ng ngiti ni HA2 ay halatang kinikilig ang tumbong niya at gusto niyang ‘sibakin’ siya ng hunkylicious co-stars niya!
PAK!!!
***

Paandar ni Sarah promo ng makeup line

Sayang ‘yung mga post sa Instagram ni Sarah Geronimo, na ni-delete lahat, eh madalang na nga siyang mag-post sa social media.

Sana nga, in-archive lang at ibalik din later on. Akala namin kung ano na ‘yung “5:30” at ‘yung #GNaSiSarah hashtag, ‘yun pala ay promo lang ng ilu-launch na makeup line ni Sarah.

Pop Studio ang name ng sariling makeup brand ni Sarah na available na pala sa Shopee at iba pang e-commerce platforms, pero ngayon pa lang Friday ang official launch nito sa New Frontier Theater.

‘Yung “5:30” pala ay 5:30 nang hapon ng May 30 (5/30) na official announcement na si Sarah ang newest brand ambassador ng Shopee.

Akala mo naman kung ano nang pasabog, ‘di ba?

Actually, parang wala sa personality ni Sarah ang mahilig sa makeup at sa mga produktong pampaganda. Mas maganda nga siya ‘pag simple lang at walang makeup.

Pero dahil ito ang uso ngayon sa local celebs na kanya-kanyang labas ng kanilang makeup brands, pinag-join na rin sa bandwagon si Sarah, na in fairness ay “ASAP Natin ‘To” lang ang nag-iisang show.

At least, may bagong movie siyang gagawin na nag-storycon na sa Viva. Wala raw leading man dito si Sarah dahil ang main co-star niya ay isang aso.
***

Habang tumatagal ay mas nagugustuhan ng fans ang karakter ni Migo Adecer na si Jordan sa Kapuso epicseryeng “Sahaya.”

Hindi lang tuloy puso ni Sahaya (Bianca Umali) ang nalilito kundi pati ang viewers, litong-lito na rin kung sino nga ba kina Ahmad (Miguel Tanfelix) at Jordan ang bagay sa dalaga.

Kampihan na ang fans at mukhang lumalakas ang puwersa ng #TeamJordan dahil si Jordan daw ang dahilan kaya naayos ang buhay ni Sahaya.

Ayaw ring magpakabog ng #TeamAhmad na kahit mahirap daw ang binatang Badjaw ay malaki ang isinakripisyo nito para sa dalaga at minamahal na kababata.

Ang suwerte ni Migo dahil ang ganda ng exposure niya sa show at pinatunayan niyang bagay talaga siyang ipang-love triangle sa BiGuel.