Hunk actor pinagdudahang karelasyon ang male personality

NAGTATAKA ang aming mga impormante kung bakit masyadong pamilyar sa isang hunk actor ang mga naninirahan sa isang kilalang lugar.

Parang nagyayabang lang ang dating ng kanilang mga kuwento, pero sa pagtatanung-tanong ay nalaman ng mga ito na totoo nga, kilalang-kilala nila ang guwapong hunk actor.

Kuwento ng aming source, “Mabuti na lang at nakabawi siya sa pagkanega niya nu’n! Sobrang negang-nega ang dating niya nu’ng nagpalutang siya ng init ng ulo sa isang place na dapat, e, nirerespeto niya ang mga nandu’n!

“Mabuti at naiayos niya agad ang mga documents niya, dahil kung hindi, e, siguradong wala na siya dito ngayon! Pinabalik na sigurado siya sa pinanggalingan niyang bansa!” madiing unang sultada ng aming impormante.

Kilalang-kilala nga sa lugar na tinutukoy ng aming mga impormante ang hunk actor, parang one of the boys na lang siya du’n, dahil madalas palang nakikita du’n ang tisoy na bruskong aktor.

Sabi uli ng aming source, “Madalas pala kasi talaga siya du’n dahil meron siyang pinupuntahang male personality rin na nakatira du’n!

“Halos du’n na pala siya natutulog kapag go siya du’n, hindi na siya umuuwi, magdamag na siyang nag-i-stay sa unit nu’ng male personality!

“At hindi siya nahihiyang magpakita sa mga nakatira du’n, nakikipagkuwentuhan pa nga siya, parang wala naman siyang itinatago! Kaya naguguluhan ang ibang nakakakita sa kanya du’n, baka naman kasi magkaibigan lang sila nu’ng male personality na pinupuntahan niya du’n?

“Kung meron nga naman silang relasyon, e, di sana, itinatago ‘yun ng hunk actor? Pero hindi nga ganu’n ang bruskong male personality, parang chill-chill lang siya kapag nasa unit ng male personality.

“O baka naman inililigaw lang niya ang isip ng mga nandu’n? Kunwari, e, wala silang relasyon, pero meron, meron, meron!” tawa pa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ganown!

Lalaking celebrity mahilig sa stuffed toy

MAHILIG sa malalaking stuffed toys ang isang kilalang male personality. Kilala na siya sa isang shopping mall dahil sa madalas niyang pagbili ng mga stuffed toys na ang akala naman ng mga sales ladies ay ibinibigay niya sa kanyang girlfriend.

Sabi ng aming source, “E, wala naman siyang karelasyon, di ba? May mga napapabalitang nililigawan niya, pero hanggang du’n lang naman ‘yun, wala siyang nagiging girlfriend!

“Bakit kaya napakahilig niya sa mga stuffed toys? Kahit ang mga kabarkada niya, e, nagtatanungan din kung bakit punumpuno ng naglalakihang stuffed toys ang bedroom niya!

“Hindi niya ‘yun ipinangreregalo sa mga kababaihan, collection niya talaga ‘yun, kaya nakapag-iisip din nga naman kung bakit ‘yun ang nakakahiligan niyang koleksiyunin, di ba?” napapailing na tanong-opinyon ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Angel target ng Philippine Air Force

HINDI kami sigurado kung nakarating na kay Angel Locsin ang sulat mula sa pamunuan ng Philippine Air Force. Ayon sa aming source ay sumulat na raw sila sa magaling na aktres para sa kanilang pormal na imbitasyon.

Sabi ng aming kausap na miyembro ng PAF, “Humahanga kami sa mga ginagawa ni Angel na pagtulong sa mga kababayan nating sinasalanta ng kalamidad.

“Walang publicity, wala siyang kasamang cameraman, tahimik lang niyang ginagawa ang pagtulong,” sabi ng aming source.

Interesado ang Philippine Air Force na mapabilang si Angel Locsin sa kanilang hanay. Hindi niya naman kailangang magbigay nang sobra-sobrang oras para sa PAF, ang maging miyembro lang siya ng grupo ay isang malaking karangalan na, dahil sa napakaganda niyang ginagawa para sa ating mga kababayan.

Maaasikaso siguro ni Angel Locsin ang imbitasyong ito sa mga susunod na panahon na, abalang-abala kasi sila ni Neil Arce para sa paghahanda sa nalalapit nilang pagpapakasal, ‘yun ang prayoridad ngayon ng magandang aktres.

Pero malaking karangalan para kay Angel Locsin ang pagpapahalagang iniuukol sa kanya ng Philippine Air Force.