tonite-no-thanks-cristy-ferminSa isang malaking umpukan ay napagtripan ang isang pamosong male personality na walang pakialam kung mawalan man ng tubig sa kanilang lugar nang mahabang panahon.

Hindi kuno ‘yun magi­ging malaking problema para sa lalaking perso­nalidad dahil tamad siyang maligo. Matagal nang minamarkahan sa pagiging pabaya sa kanyang sarili ang kilalang male personality.

Siya ang tinutukoy sa mga blind items na hindi masyadong tumututok sa kanyang hygiene, kaya madalas siyang napipintasan sa marurumi niyang kuko, pati sa pagkakaroon ng sipon na parang hindi na gumagaling.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Kung napakatinding problema na para sa mga kababayan natin ang kawalan ng tubig, para kay ____(pa­ngalan ng kilalang male personality), e, okey lang ‘yun!

“Hindi naman kasi talaga siya mahilig maligo, naspu-naspu lang naman siya palagi, kinatatamaran niya ang paliligo! ‘Yun ang dahilan kung bakit napipintasan siya ng mga katrabaho niya.

“Halatadong tamad siyang maligo dahil may kakaiba siyang amoy. Ang dudumi rin ng mga finger at toe nails niya, palagi pa siyang may sipon na ayaw gumaling-galing!

“Bakit siya mamomoroblema sa kawalan ng tubig, e, kahit saganang-sagana nga ang water supply sa lugar niya, e, hindi niya naman pinakikinaba­ngan ‘yun dahil sa kakula­ngan niya sa personal na ­hygiene?

“Sabi siguro niya, e, ano ba kung mawalan man sila ng tubig sa bahay, care niya, okey lang ‘yun dahil puwede na siya sa papunas-punas lang! Kahit pa ilang buwan na mawalan ng water supply sa tinitirhan niyang lugar, e, keber!

“Sanay na kasi siyang dehins goli, okey na sa kanya ang punas-punas lang, kaya bakit niya poproblemahin ang kawalan ng tubig?” kuwento ng source na nakakaalam ng lihim ng male personality.

Nu’ng makarelasyon daw ng isang female personality ang aktor na ito ay medyo naging malinis naman ang kanyang katawan. Pero dahil nag-break din sila agad ay naging dugyutin na naman ang male persona­lity, balik na naman siya sa dating gawi, tinamad na naman siyang maligo.

“Nakakaloka ang lala­king ‘yun! Katamaran ba ang pagliligo? Katamaran ba ang pag-aalaga sa katawan niya, e, hunk actor pa naman siyang naturingan? Marami siyang nakakaeksenang girls, pero singhot na singhot ang may kalansahan niyang amoy?

“Ipatapon dapat ang dehins ligong male personality na ‘yan sa isang probinsiya sa South! Apelyido niya ang name ng isang bayan du’n!” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming source.

 

Raffy masama ang loob kay Ramon Tulfo

Magkasunod ang programa namin ni Raffy Tulfo sa 92.3 News FM at Cignal Channel 6. Maagang-maaga pa lang ay punumpuno na ng mga kababayan nating mananawagan sa kanyang programang Wanted Sa Radyo ang paikot ng TV5.

Araw-araw ‘yun, buong bloke ang pila ng mga humihingi ng tulong sa kanyang malaganap na programa, panahon ngayon ni Raffy Tulfo dahil siya ang pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino na makapagbibigay ng solusyon sa kanilang mga problema.

At totoo naman ‘yun. Napakalawak ng naaabot ng Wanted Sa Radyo, katuwang niya ang mga departamento ng ating pamahalaan sa pagbibigay ng tulong, mahaba ang kamay ni Raffy Tulfo.

Isang hapon ay narinig namin ang pagiging emosyonal ng komentaristang napakalapit ng puso sa mga manggagawang Pinoy, lalo na sa mga OFW, na siya rin ang hinihingan ng ayuda.

Masama ang kanyang loob sa kanilang panganay na kapatid na si Kuya Ramon Tulfo dahil sa sinabi nito na tamad ang mga manggagawang Pilipino. Isang malakas na suntok ‘yun para sa nakababatang Tulfo, mahal na mahal niya ang mga kababayan na­ting nagpapakamatay sa pagtatrabaho sa iba-ibang bansa, maiahon lang ang kanilang mga pamilya sa kahirapan.

Ipinagtanggol niya ang mga manggagawa, totoo ang kanyang sinabi na kahit saang panig ng mundo ay pinupuri ang ating lahi sa kasipagan, pagkatapos ay mismong kuya pa niya ang magpapakawala ng masakit na paglalara­wan na tamad ang mga manggagawang Pinoy?

Hindi puwede ‘yun kay Raffy Tulfo, aangat talaga siya sa upuan kapag mga trabahador nang Pilipino ang minemenos ang kapasidad, kahit nakatatanda pa niyang kapatid ang kanyang makalaban.

Saksi kami sa sobrang malasakit at pagmamahal ni Raffy Tulfo sa maliliit nating kababayan. Bulsa niya ang mawawasak makatulong lang siya sa mga nanga­ngailangan. Hindi na niya iniaasa pa sa gobyerno ang tulong, siya na mismo ang kumikilos sa sarili niyang paraan, umuwi lang na may kapayapaan ng kalooban ang mga dumudulog sa kanyang programa.

Pagdating sa usapin ng mga manggagawa at mga kababayan nating maliliit at walang kalaban-laban ay handa talagang makipagpatayan si Raffy Tulfo.

Wala siyang pinipili. At wala siyang inuurungan.