
Natawa kami sa nasagap naming chika tungkol sa isang kilalang hunky personality (KHP) na kasal sa kanyang misis na dugong banyaga (MDB).
Nai-share ni KHP sa kanyang malalapit na kaibigan na malapit na siyang mapuno kay MDB dahil ang hilig nitong magbunganga.
Nagger as in nagger si MDB kaya sobrang nato-torture si KHP at parang hindi na nito kayang tagalan ang kanyang asawa.
Ayon kay KHP, ang dati niyang misis ay matalak din, pero dinadaan nito sa pakuwento ang mga hanash at sentimyento nito.
Ang kanyang asawa ngayon na dugong banyaga, grabe kung makapagbunganga. Wagas kung maka-talakathon kaya rinding-rindi na rito si KHP.
Ang isa pang ikinakabaliw nang bonggah ni KHP, English ang mga hanash at kuda ni MDB kaya hindi niya masagot ito at hirap siyang makipagtalo kapag umariba na ang bunganga nito.
Awang-awa kay KHP ang mga kaibigan niya dahil mukhang suko na siya sa pagka-nagger ng jowa niyang Inglesera.
Napabalita kamakailan na hiwalay na sina KHP at MDB, pero later on ay nag-post sila sa social media na magkasama ulit at mukhang naayos ang problema.
Hindi kami magtataka kung one of these days ay totohanan na talagang hiwalayan ni KHP ang talakerang misis niya dahil mukhang hindi na rin siya masaya rito.
Malaking bagay ang cultural difference ng mag-asawa, pero feeling namin ay maraming matutuwa na nagmamalasakit kay KHP dahil hindi talaga nila type ang ugali ni MDB!
Carlo dedma sa pasaring ni Angel
Dedma si Carlo Aquino sa tweet ni Angelica Panganiban na, “Gusto ko mag-asawa this year.”
Feeling ng netizens ay si Carlo ang pinariringan ni Angelica ng tweet niya na ‘yon, pero walang reaksyon dito ang binata.
May karapatan namang mag-tweet si Angge ng ganu’n bilang 32-anyos na siya.
Tapos, ang ex niyang si John Lloyd Cruz ay balitang pinakasalan na si Ellen Adarna nu’ng December 23, kasabay ng binyag ng anak ng dalawa.
May dagdag ang tweet na ‘yon ni Angelica na, “Parang ice cream lang hiningi ko eh, noh?” kaya may sagot sa kanya ang beshie niyang si Glaiza de Castro na, “Meron sa ref…”
Hirit naman ni Marvin Agustin, “Oh my!!! Natawa at kinilig naman ako sa gusto mo this year… pero pwede ‘yan na parang ice cream, lalo na ‘pag ready na ready ka na! I’ll be very happy for you, Baby Angel if ever…”
Ang daming kinilig na mga CarGel fan at tinag si Carlo sa Twitter, na ibigay ang hinihiling na ‘yon ni Angelica. Ipagdarasal din daw nila na magkatotoo ang wish nito.
Ugaling magpasaring sa social media ng Kapamilya actress kaya ang daming pumatol sa tweet niya na ‘yon.
Tapos sey niya, “Nilagnat ako sa last tweet ko. Promise. Napainom ako ng Bioflu.”
Nu’ng Pasko ay kasama ni Angelica si Carlo na nag-celebrate with her family, kaya feeling ng marami ay nagkabalikan na talaga ang CarGel.
In fairness ay ang bongga ng taong 2018 para sa career ni Carlo. At aniya, sana ay panimula pa lang ang lahat ng ‘yon.
Mukhang magaganda rin ang naka-lineup sa kanya for this year. Nasa plano kaya ni Carlo ang magpakasal ngayong 2019?!
Abangan!
Wally, Paolo itsapwera sa pelikula ni Jose
Tatahi-tahimik si Jose Manalo pero may solo movie pala siya na pang-opening salvo sa New Year.
Bida si Jose sa pelikulang “Boy Tokwa: Lodi ng Gapo” na siya lang ang binebenta at hindi niya kasama ang comedy partners niyang sina Wally Bayola at Paolo Ballesteros.
January 8, 2019 ang showing ng movie ni Jose, pagkatapos ng MMFF 2018.
Kasali sa cast ng “Boy Tokwa” sina Joey Marquez, Buboy Villar, Karel Marquez at Alan Paule. Foreign models ang leading ladies dito ni Jose na sina Sophie Rankin at Marija Debelic.
Kasama rin sa movie sina Gian Sotto at Mino Sotto. Ang producer nito ay si Vicente Sotto III also known as Tito Sen ng “Eat Bulaga.”
Paborito ni Tito Sen si Jose at close sila nito kaya hindi kami nagtaka na binigyan nito ng solo movie si Jose.
Hindi lang namin sure kung after nito ay itutuloy-tuloy ng VST Production ni Tito Sen ang paggawa ng pelikula.
Si Tony Y. Reyes ang direktor ng “Boy Tokwa”, na may nakita kaming poster na ginaya ang KathNiel sa “The Hows of Us” at ang nakasulat ay “The Hows of Boy Tokwa.”