Hunky dancer, palaban sa Traffic Diva

aicelle-santos-rodjun-cruz

ANG magkabarkada at magkasama sa Tiki group ng Kapuso stars na sina Aicelle Santos at Rodjun Cruz ang magtatapat mamayang gabi sa Lip Sync Battle Philippines.

Magkaibang musical inspirations ang pangabog ng Traffic Diva ng Eat Bulaga na si Aicelle.

Isang kanta ni Nora Aunor at isang worldwide hit ng isang hip hop icon.

Ang hunky dancer na si Rodjun ay ilalabas ang kanyang inner diva at ibibirit ang isa sa biggest hits of all time.

Pa­pa­tu­na­yan din ni Rodjun na isa siyang all-around performer sa pamamagitan ng hit song ng isang Latin legend.

Sino ang mananaig?

Ang diva na hasa na sa kantahan at sa teatro o ang yummy dancer na hindi umuurong sa lahat ng klase ng kompetisyon?

Aabangan mamaya sa Lip Sync Battle Philippines sa GMA pagkatapos ng Magpakailanman.