Marami ang dismayado kay Shantal Cuizon. The WHO no more bigla ang dalagang parang prettier incarnation ni Jolina Magdangal. Isa siya sa mga finalist sa “Tawag ng Tanghalan” segment sa “It’s Showtime” na hindi kumilos ayon sa kanyang ganda.

Paano nangyari? Inaawit­ niya ang classic na “Both Sides Now” ni Joni ­Mitchell na ang areglo, pang-pop rock version. Problemado ang kanyang singing rendition dahil ang pagiging wala niya sa tono, was all over the place.

Kung napanood niyo ang ­kanyang performance (available pa ito sa YouTube) pansin na ­pansin hindi lang disma­yado, kundi rimarim na rimarim si punong ­hurado Louie Ocampo dahil nga she literally murdered the Mitchell iconic song at muntik-muntikanan na siyang ma-gong.

Walang duda na may nagsabi, o maaring nakita ni Cuizon ang reaction ni Ocampo sa kanya kaya nagmaganda ang hitad, tumili sa isang social media site ng “­Hustisya” at “Composer ka lang.”

Hindi mo na kaila­ngang sauluhin pa kung sino ang kanyang pinarurunggitan. Iba rin ang dalagang ito, wala pang napapatunuyan at all kundi babuyin ang mga kinakanta niya, may pagmamagandang walang sa hulog, huh.

Ang karera mo, malayong-malayo ang mararating, Kung hindi sa kangkungan, baka sa kalabasahan. Kahit pa nga nag-public apology ka na with matching invoking Godnka pang nalalaman ­diyan, hay naku, Bb.

Cuizon, hindi ka pa sikat at parang hindi ka na sisikat dahil nga mali ang yong inasta, sigurado akong just like Gretchen Diez, hindi ka ­kailanman magiging household name dahil sa iyong ­talent. Ang ­matatandaan na sa iyo, ang ­babaing ­bumastos kay Louie Ocampo. Yun lang.

Althea, Sofia kahawig nina Darren, Bimby

Hindi ako sure kung sina Darren ­Espanto at James ‘Bimby’ Yap Jr. ay naaliw sa isang larawan kung saan marami ang nagsasabi na ang mga dalagitang nag-pose for poste­rity ay kawangis daw nila ang mga mukha.

Ang mga sinasabing kawangis ay sina Althea Ablan at Sofia Pablo, dalawa sa mga pangunahing bida sa “Primadonnas.” Kasama rin nila bilang bida si Jillian Ward.

Dahil na nasabing la­rawan, marami ­tuloy ang na-arouse ang ­curiosity sa mga ­dalagita, pinagpasapasahan ang mga larawan, naging topic sa isang pink portal at nakakabaliw ang mga comment about the photos sa thread.

Feeling ko, dahil sa larawang ito, nakatulong para sa ratings ng kanilang afternoon primetime drama. Sure na sure ang diva that you love, ang mga beking manonood, hawak-hawak ang kanilang mga android phone at kinakanta ang “alin-alin ang naiba” at kinikilig pang binibilang kung ano ang mga patotoo sa sinasabing resemblance ni Ablan kay Espanto at ni Pablo kay Yap Jr.

Ang diva that you love, nakita ko na ang larawan. Sa nagpadala nito sa akin, salamat dahil iba rin ang iyong mga mata, huh. Ang masasabi ko lang, si Bb. Althea, kawangis nga si Espanto. Pwede nga ­silang maging mag-pinsan o ­magkapatid pa. Kung naging ­babae si Darren at ­sinasabing look alike sila ni ­Althea, charming miss si Bb. Ablan kaya to be ­compared to her, means he is a good-looking young gentleman.

Yung kay James Jr., sa true lang tayo, wala siyang ng hawig at all kay Bb. Sofia. Sobra lang mapagpalaro ang mga imahinasyon at mataba ang utak ng mga nagsasabing magkahawig ang dalawa.

Pretty young miss si Pablo at walang duda na James Jr. is growing up a fine gentleman at ­puwedeng maging matinee idol in the nearest future kasi nga unusually tall for his age at ang looks at wealth niya, pang “Crazy Rich Asians” in a good way, of course.

Ang masayang mangyari, sa malapit na hinaharap, sa sinasabing magkakamukhang ito, sana magkilala sila on a personal capacity at maging magkakaibigan. Yun ang mas positibong gain from this, hindi ba naman?