Hustisya kay Floyd! – Vanessa

Ni-repost ni Vanessa Bryant ang larawan ng kanyang asawang si Kobe para makiisa sa paghingi ng katarungan sa pagkamatay ni George Floyd.

Sumiklab na ang sunod-sunod na protesta sa iba’t ibang lungsod sa US mula nang mapatay ng isang white police officer si Floyd sa Minneapolis. Black si Floyd.

Isa sa mga huling salitang binigkas ni Floyd ang “I can’t breathe” habang dinidiinan sa leeg ng tuhod ni Derek Chauvin.

Sa repost ng biyuda ng NBA legend/Hall of Famer, nakasuot ng black T-shirt si Kobe na may nakasulat din ng eksaktong kataga na “I can’t breathe.”

Ginamit ito ni Kobe noong 2014 bilang suporta kay Eric Garner, black man din na namatay sa sakal nang tangkaing arestuhin.

“My husband wore this shirt years ago and yet here we are again” caption ni Vanessa. “Life is so fragile. Life is so unpredictable. Life is too short. Let’s share and embrace the beautiful qualities and similarities we all share as people.”

May mensahe pa si Vanessa sa mga magulo at nagnanakaw na protesters:

“Spread Love. Fight for change – register to vote. Do not use innocent lives lost as an excuse to loot. Be an example of the change we want to see.”

Namatay si Kobe sa unang buwan ng taong ito kasama ang isang anak nila ni Vanessa at pitong iba sa isang chopper crash sa Calabasas, California. (Vladi Eduarte)