EDISON REYES
Sa kuha naman ng CCTV ng barangay, nakita ang pagtungo muna sa lugar ng salarin na naka- suot ng jacket na may pang-talukbong sa ulo na tila may hinahanap bago nag-lakad ng palayo.
Ilang sandali pa, bumalik sa lugar ang salarin na ganoon pa rin ang suot, may bitbit pa ring bag na nakasabit sa kanyang balikat at mula rito ay binunot niya ang isang kalibre ng baril, itinutok sa likod ni Ronalyn na noon ay nagsisimula ng kumain at pinaputukan ng sunod-sunod bago mabilis na tumakas.
Bagama’t nakatalukbong ang ulo ng suot na jac-ket, nakalabas naman ang braso ng salarin kaya’t kita ang kanyang mga tattoo sa magkabilang braso na maaaring pagbatayan ng kanyang pagkakakilanlan.
Kaagad na pinakilos ni Col. Magdaluyo ang kanyang mga tauhan upang madakip ang mga posibleng sangkot sa krimen, lalu na’t nakakalap na rin sila ng mga testigo sa lugar na makakakilala sa salarin, pati na sa kanyang mga naging kasabuwat.
Unang nadakip ng mga tauhan ng MPD Station 1 sa ikinasang pag-TUGIS si Hiro Ilagan makaraang makuhanan ng ilang plastic sachet ng shabu at halos kasing-bulas din ng salarin.
Gayunman, nang i-prisinta si Ilagan ng pulisya sa mga testigo na nakasaksi sa pagpatay, wala isa man sa kanila ang nagsabi na sangkot siya sa pagpatay kay Ronalyn kaya’t kasong paglabag sa pag-iingat ng ilegal na droga sa ilalim ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act ang isinampa laban sa kanya.
Kinagabihan ng Abril 7, 2019, dakong alas-10 nang gabi, nadakip ng mga tauhan ni Col. Magdaluyo si Alfie Cubelo, 30 makaraang inguso ng isang asset ng pulis na kabilang sa “look out” nang isagawa ang pagpatay.
Positibo ring kinilala ng mga hawak na testigo ng MPD Station 1 si Cubelo na isa sa mga nagsilbing look out o “marker” ng salarin na nasa lugar na pinangya-rihan ng krimen at kaagad ding tumalilis matapos ang pagpaslang kay Ronalyn.
Kahit nadakip ng pulisya si Cubelo, hindi nagtapos ang pagtutok nina Col. Magdaluyo sa mga kuha ng CCTV sa mga lansangan na sakop ng Barangay 129 dahil nais nilang matunton ang lugar na tinakbuhan ng gunmann kaya’t maging ang kuha sa kahabaan ng Rodriguez St. sa Tondo ay kanilang nirebisa.
Dito na natuklasan ni Col. Magdaluyo na sa lugar ng Barangay 128 posibleng nagtungo ang salarin matapos ang ginawang pamamaslang.
Walang sinayang na sandali sina Col. Magdaluyo at kaagad na nakipag-ugnayan kay Barangay 128 Chairman Sigfrid “Bobby” Hernani, ang kabesa ng naturang barangay, upang masilip din ang kuha ng kanilang CCTV bago at matapos mangyari ang pagpaslang kay Ronalyn.