Siyam na taon na ang nakalipas pero nananatiling nganga at mailap ang hustisya sa Ampatuan massacre.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isa­gani Zarate, tila mas lalo pang lumalala ang ‘state of impunity’ sa kasalukuyan.

“Sa katunayan, sa nangyayari sa nga­yon tinalaga ang ika-23 ng Nobyembre bilang ‘Pandaigdigang Araw Para Wakasan ang Kawalang-Pananagutan’ upang bigyang-diin ang naganap na malagim na masaker sa Maguindanao sa araw na ito noong 2009, kung saan 58 katao, 32 miyembro ng media ang pinaslang ng mga miyembro ng dinastiyang Ampatuan,” pahayag ni Zarate.

Gaya aniya ng kaso ng Ampatuan massacre, wala pa ring katarungan sa Sagay 9 ­massacre, pagpatay sa peoples’ lawyer na si Atty. Ben Ramos at marami pang iba.

“Ang inaasam na pagbabago ng ating mamamayan ay ang pagkawala ng pagsasamantala at panunupil, hindi lamang sa mga kagawad ng media, kundi ng buong mamamayan,” sabi ni Zarate.

Ang pagbabago ­aniya na ipinaglalaban ng sambayanan ay hindi ang paglimot sa mga aral ng kasaysayan.