Hustisya sa pinatay na Pinay helper sa Kuwait

‘Hustisya!’
Ito ang sigaw ng Bayan Muna para kay Jeanelyn Villavende, ang overseas Filipino worker (OFW) na pinaslang ng kanyang employer sa Kuwait.

Anila, posibleng nasa panganib ang lagay ng mga OFW sa Middle East ngayon dahil sa tumataas na tensyon sa rehiyon.

“We extend our prayers to the family and friends of Jeanelyn and share in the call for justice,” sabi ni Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite.

“This regrettable incident underscores yet again the need to reverse the country’s labor export program and to start creating more jobs at home especially now that OFWs in the Middle East may be in danger due to the rising tension in the region because of US air strikes,” aniya pa.

Idiniin ni Gaite na magpapatuloy ang mga insidenteng tulad ng sinapit ni Villa­vende kung patuloy na magkikibit-balikat ang gobyerno sa panawagang itaas ang minimum wage at security of te­nure ng mga manggawang Pinoy.

“Horrible incidents such as this would continue to happen as the government repeatedly ignores calls for decent minimum wage and security of tenure, and for economic programs that would create jobs in a self-sufficient and independent domestic economy,” aniya.

Tinutulan naman ni Gaite ang isinusulong na panukala para sa pagtatatag ng Department of Filipinos Overseas and Foreign Employment.(Lorraine Gamo)