EDISON REYES
Matapos ang background investigation ng isinagawa ng pulisya sa katauhan ni Mark Joseph, inihayag ni Capt. Navarro na dati ng sumuko sa kanilang barangay si Mark Joseph sa kasagsagan ng inilunsad ng “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paggamit niya ng illegal na droga.
Sa kabila ng akusasyon laban sa kanya, pati na nag positibong pagkilala sa kanya ng dalawang testigo, mariing pinabulaanan ni Mark Joseph na siya ang bumaril at nakapatay kay Kevin.
Sinabi niya na nasa loob lamang siya ng bahay nang mangyari ang krimen at hindi siya ang nakuhanan ng CCTV na nagmamaneho ng motorsiklo na namaril matapos na habulin ng biktima at dalawang kasama.
Bahagya naman naibsan ang pagdadalamhati ng pamilya Monsod dahil na rin sa pagkakadakip sa pangunahing suspek na pumatay kay Kevin kasunod pa ng pagkalutas ng kanilang problema kung saan nila ilalagak ang bangkay ng biktima
Sinabi pa ni Aling Raquel sa TUGIS na may iniaalok ang lokal na pamahalaan na paglalagakan ng labi ng kanilang anak sa Manila North Cemetery ng walang kaukulang bayad subalit nang bisitahin nila ang lugar ay naawa silang lalo sa kanilang anak dahil napakamiserable at hindi kaaya-aya ang napakaliit na lugar na nagsisilbing libingan ng mga maralita.
Nang malaman aniya ng kanyang biyenan na si Jojo Monsod na wala pa silang paglalagakan ng bangkay ni Kevin, kaagad na inialok ng matanda ang libingan ng kanilang pamilya sa loob din ng naturang Kampo Santo.
Hindi aniya makapayag ang matanda na mailibing sa napakamiserableng lugar ang paborito niyang apo kaya’t ang isang butas ng libingang kanilang pag-aari ay inialok ng matanda.
Sa mga gabi naman ng burol ni Kevin sa harapan ng malaking covered court ng Barangay 103, walang patid ang dating ng mga nakikiramay sa pamilya Monsod na karamihan ay mga kaibigan at kaklase ng nasawi.