Dear Abante Tonite:
Madalas naririnig sa radyo ang tinig ng mga taong araw-araw na gumigising nang maaga at tinitiis ang init ng araw para lamang makapagtanim.
Ngunit mas madalas naririnig ang tinig ng mga mamimili na nagrereklamo sa kanilang pinamimili partikular ang bigas.
Hindi maaalis sa mga mamimili ang tumawad sa kanilang nais na bilhin o mas piliin ang mga produkto kung saan makamumura sila.
Mula sa balita, mas tinatangkilik ng mga mamimili ang bigas galing sa ibang bansa kumpara sa bigas na mula sa mga magsasaka ng Pilipinas. Daing pa nila, pipiliin lamang nila ang bigas ng Pilipinas kung ang presyo ay kanilang ibababa.
Sa dalawang panig mahirap talaga ang pumili ng dapat panigan pero bilang tao na may sari-sariling paÂngangailangan, nararapat na hindi lang sarili ang iisipin kung hindi pati na rin ang iba pa na maaapektuhan.
Genalie Eclipse