Nakakalungkot mga kasabong sa balitang nalaman natin noong Mahal na Araw.
Hindi talaga maawat ang mga pasaway nating mga klasmeyt, tatlong tupadahan ang ni-raid sa Valenzuela City, sa Manila North Cemetery at sa Cavite.
Ang nakakainis pa, mga opisyal ng barangay ang mga pasimuno rito.
Ilang araw na lang naman mga kasabong, kung gusto natin na hindi ma-extend pa ang Enhance Community Quarantine o lockdown dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, sumunod po tayo sa panawagan ng ating Pangulong Rodrigo Duterte at ng mga nagpapatupad sa pagsugpo sa krisis.
***
Nakakatuwa naman ang ibang kasabong natin,kasi may mga ginagawa silang mga pakulo sa kanilang Facebook katulad ng pagsasayaw at pagpapatawa kaya maraming sabungero ang mga nalilibang.
***
Sa ngayon habang may ECQ ay ihanda natin ang mga warrior natin mga kasabong para sa pagbabalik ng sabong ay marami na tayong mga panlaban.
***
Paalala mga klasmeyt, manatili lang tayo sa bahay at huwag tayong maging pasaway.