Huwag magpadala sa takot

Hinihimok ng Ebanghelyo ang tanan ngayong Ika-12 Linggo ng Karaniwang panahon na huwag magpadaig sa takot. Ngayong nababalot ang daigdig sa pangamba dahil samu’t saring problema dulot ng kumakalat na peste, binibigyan tayo ng lakas-loob ni Hesus.

Habilin ng Panginoon, “Huwag kayong matakot sa mga nakapapatay sa katawan ngunit hindi ng kaluluwa.” (Mt 10: 28) Paliwanag ng Simbahan, “Jesus himself is the brave man who faced all his troubles. He wants us to be brave in proclaiming our faith in him according to the demands of the Gospel.”

Walang anuman tayong dapat ipangamba ayon sa Simbahan sapagkat kasama natin ang Diyos, sa bawat hakbang at sa lahat ng oras! Turo ng Iglesya, “The Lord stands by us like a mighty champion and like a faithful friend is always ready to assist us in all our needs.”

Giit ng Simbahan ngayong mga araw ng pandemya, “The Eucharist is the source of our courage and strength. We live under the protection of our all-loving and omnipotent Heavenly Father. If God, indeed is with us, who can overpower us? (Romans 8: 31) Sadya lang yinuyugyog ang ating pananampalataya ngayong mga panahon!

Alam ni Hesus, na katulad ng Kanyang mga alagad, mayroon ding pag-aalinlangan sa ating puso. Gayunman, sinisiguro Niya sa atin na kasama natin Siya sa pagharap ng mga pagsubok. Imbes na manghina dahil sa mga problema, dinadala tayo ng Panginoon sa kumpiyansa sa Ama.

Sadyang napakaraming hadlang sa lubos na pananalig ngayong panahon ng COVID-19, lalo na ang hirap na nararanasan ng mga kapuspalad at maysakit. Sa ginta ng lahat, hinahamon tayo ni Hesus maging mga padaluyan grasya at instrumento ng pag-asa.

Ngayong mga araw ng kagipitan, inaanyayahan tayo ng Panginoon maging matapang para sa kabutihan ng kapwa at ng ating mga mahal sa Buhay magkaroon pa rin ng tiwala sa ibang tao, paglabanan ang takot at kumapit sa Diyos sa lahat ng pagkakataon.

Narito, sa wakas, ang hamon ng Mabuting Balita sa Linggong ito: Dare to do something to a fellow man today!