Dear Sir/Mam:

Sa artikulo na nabasa ko tungkol sa malapit nang pagpapalaya sa mga poli­tical prisoners sa mga diyaryo, nais ko lang po ipa­dama sa ating mga kababayang Pilipino, na ‘wag kayong mangamba kung sakaling makalaya man ang mga taong ito dahil sa pagkakataong ito sila ay may kasunduan sa ating mahal na si Pangulong Duterte.

Siguro naman sa tagal ng panahon na nasa kulu­ngan sila, nakapag-isip na sila na magbagong buhay at manilbihan nang matiwasay dito sa ating bansa.

Sana po suklian nila ng magandang kabutihan ang ating mahal na Pangulo sa pagpapalaya sa kanila. Dapat ipakita nila sa sambayanang Pilipino na sila ay tapat na sa gobyerno.
Lubos na umaasa,

JARID GO

Bicol

***

Sir/Mam:

Ito ay patungkol sa isang artikulo na nabasa­ ko: “Digong pupugutan ka namin ng Ulo!

MAUTE” na inilathala sa mga dyaryo noong ika-2 ng Dec. 2016. Bilang isang kamag-anak ng isang miyembro ng Maute Terror group, hindi dapat nating bantaan ang ating Pangulo na pupugutan ng ulo sapagkat lahat ng plano ng ating Pa­ngulo ay para sa ikakabuti ng ating mamamayan.

Ginagawa ng ating Pa­ngulo ang lahat ng hakbang para makamit natin ang kapayapaan at katahimikan atkKaunlaran ng ating bansa. Sapagkat kung tayo ay nagkakaisa madali nating magawa ang mga plano ng ating gobyerno na mapaunlad ang ating bansa.

Isipin natin na marami nang buhay ang nawala sa ating mga Pilipino dahil sa pakikipaglaban sa kapwa Pilipino, nagpapatayan na hindi alam kung ano ang ipinaglalaban. Marami sa ating pamilya ang nagdusa bata man o matanda na naghihirap sa evacuation center kasi may takot sa nangyayari sa ating bansa.

Kaya nanawagan ako sa Maute Terror Group na magbalik-loob na tayo sa ating gobyerno para sa katahimikan at kaunlaran ng ating bansa. Mamuhay tayo na kapiling natin ang ating pamilya na walang kinakatakutan.

Ang nagmamhal,

MUJEB B. AKMAD

Lanao del Sur