Mga kasabong alam naman natin na tigil ang sabong, nagbaba ng memorandum nakaraan ang Philippine National Police (PNP) na “No Sabong Nationwide” dahil sa kinakaharap natin at ng buong mundo na Coronavirus disease-2019 pandemic.

Pero ilan sa ating mga klasmeyt ang sobra ang tigas ng ulo, hindi makatiis na huwag munang magsabong ng kahit isang buwan lang upang hindi tayo basta mahahawaan nang nakamamatay na virus.

Sa Vigan City lang may tatlong pasaway, bawal na nga nagpatupada pa, ayun natiklo. Bandang Caloocan naman ay sa kalye pa mismo nagbitaw, ang daming tao ang daming violation, una ‘yung sabong, pangalawa, walang social distancing at pangatlo naglalabas ng bahay.

Kaya lalong lumala ang sitwasyon, ginawang enhance community lockdown, hinayag ito ng Pangulo nating Rodrigo Duterte.

Sana sumunod tayo mga kasabong, kung may mga taong matitigas ang ulo at sumusuway kahit tayong mga sabungero na lang ay masabing may disiplina tayo.

Bukod sa maginoong laban ang sabong ay sana masabihan din na may disiplina ang mga sabungero. Ingat po tayo mga klasmeyt, sama-sama nating labanan ang COVID-19. *** Sa mga frontliner Bayani po kayo, GOD bless po sa ating lahat.