Mga kasabong kung mainitin ang ulo mo at ayaw mong matutuka ng manok mo ay huwag ka na mag-alaga.
May tatlong araw na ang nakalipas, nag-cover ako ng cycling sa Legazpi City sa Albay, habang naghahanap ako ng internet cafe para gumawa ng istorya, may nakita akong isang lalaki na naghahalo ng patuka, dahil lab na lab ko ang manok ay pinanood ko yung lalaki siyempre natuwa ako.
Nang ibigay na nito yung pagkain sa manok ay bigla siyang tinuka ng alaga niya, nagulat ‘yung lalaki at sinampal niya yung manok, lumaban at pinalo siya ng bulik, (balahibo ng manok), alam niyo ba ang sumunod na eksena mga klasmeyt, dinakma yung leeg at saka ipinalo sa pader.
Kawawa yung manok gusto kong lumapit para awatin yung lalaki sa ginagawa niya pero huli na rin ang lahat.
Ang sa akin lang, kahit anong salbahe ng alaga mong manok ay huwag mong sasaktan kasi nature nila ang maging fighter, mga warriors yan, ipamigay mo na lang kung ayaw mong mag-alaga ng Man Fighter na manok. Kung alam niyo lang mga kasabong uminit ulo ko.
***
Baka wala kayong gagawin sa Agosto 17, may isasagawang JM Fantastic Gamefarm EXPO 2019 sa San Pablo City, Laguna.
Puntahan niyo na agad at magpalista dahil limitado lang sa 30 hanggang 50 participants, First Come, First Serve basis.
Tawagan niyo na lang itong mga numero, 09285545767/09189429762.
***
May 5-Cock Ulutan Ng Masa / 3-Cock Finals ngayong araw sa Tula Tula Grande, West Arena baka gusto niyo puntahan, Good Luck na lang.