HVTP sa Quezon itinumba

Patay ang isang itinuturing na High Value Target Drug Personality ng PNP matapos pagbabarilin sa harap ng isang tindahan sa Gen. Malvar St. Barangay Poblacion 38, Infanta, Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Joel Rina Fernandez, alyas ‘Bistong’, 44-anyos.

Batay sa report ng Infanta Police, nakatayo ang biktima sa tindahan ng inihaw na manok ng lapitan ito ng isa sa mga suspek at pinagbabaril.

Mabilis na isinugod sa ospital ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival habang mabilis namang tumakas ang suspek na umangkas sa motorsiklo ng kanyang kasapakat.