Hwang Jung Eum itinangging nagparetoke

Itinanggi ng agency ni Hwang Jung Eum na sumailalim ito sa plastic surgery.

Nag-upload kasi ng iba’t ibang pictures at videos ang actress sa kanyang Instagram account na kuha noong birthday niya sa set ng bago niyang drama, ang “Ssang Gap Pocha”.

Pagkatapos nitong mag-upload, sunod-sunod na ang mababasa na comment ng mga netizen na may nabago raw sa mukha nito. Sinasabihan ito na nagparetoke ng mukha.

Dahil dito, naglabas ng statement ang agency ng actress na C-JeS Entertainment.

Sa isang banda, kilala kasi ang South Korea pagdating sa cosmetics at beauty enhancement. Lalong-lalo na sa pagpaparetoke ng mukha kahit mga celebrities.