Plano ng pamunuan ng 2020 Tokyo Olympics at Paralympic Games na gumamit ng hydrogen fuel para pailawan ang mga cauldron at torch relay ayon sa pahayagan na Yomiuri Shimbun.

Kung matutupad, ang 2020 Games sa Tok­yo ang kauna-unahang Olympics na gagamit ng alternative energy.

Ayon sa mga source, ang hydrogen na gagamitin ay mangagaling sa state-of-the-art plant na kasalukuyang ginagawa sa Fukushima Prefecture, pati ang Athletes Village ay gagamit din ng hydrogen bilang power source.

Gusto rin aniya ng pamunuan na ipakita ang modernong teknolohiya ng Japan.

Gagamitin din ang Hydrogen Fuel sa iba pang cauldron sa 2020 Games gaya ng Daiba area ng Tokyo na magpapailaw sa apoy sa pagbubukas ng quadrennial sportsfest.

Tinuturing na “ultimate clean energy” ang hydrogen fuel dahil hindi ito naglalabas ng carbon dioxide at mas madaling imbakin kumpara sa kuryente. (Fergus Josue, Jr.)