Hydroxychloroquine medicine ‘wa epek sa COVID-19

Wala umanong epekto ang pag- inom ng Hydroxychloroquine (HCQ), isang gamot sa malaria para mapagaling ang taong tinamaan ng coronavirus disease (2019).

Ito ang lumabas sa isang pag-aaral na pinondohan ng US government .

Sa halip maari pa umano itong magresulta ng mas maraming pagkasawi ng tao.

Nagsagawa umano ng maraming experiment sa paggamit ng gamot bilang panlaban sa COVID 19 pero nagkaroon ng pagdududa sa kakayahan ng medisina na makagamot ng COVID19 dahilan para iutos ni US President Donald Trump ang isang pag-aaral.

Nabatid na tiningnan ng mga medical researcher ang medical record ng 368 veteran na naospital kung saan ang death rates ng mga pasyente sa hydroxychloroquine ay 28% kumpara sa 22 % kumpara sa antibiotic azithromycin.

Habang ang death rate sa mga taong tumanggap ng standard care ay 11 %.

Ang Hydroxychloroquine na may azithromycin o wala ay siyang ibinibigay na gamot sa pasyente na may malalang kalagayan.

Karamihan umano sa mga naging pasyente ay mga lalaki na may edad 65 pataas at may mga diabetes at heart disease.

Nalaman rin sa pag-aaral na ang gamot ay mas mapanganib sa mga pasyente na may heart rhythm issues at maaring maging sanhi ng blackouts, seizures sa panahon ng cardiac arrest.

Ang Hydroxychloroquine at kahalintulad na compound chloroquine ay ginagamit na gamot para sa malaria at autoimmune disorders lupus at rheumatoid arthritis.

Magugunitang ang gamot na ito ang isa sa sinasabing nagpagaling umano kay Senador Sonny Angara sa COVID. (Juliet de Loza-Cudia)